菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehova. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehova. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 9, 2019

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasakatuparan ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa gitna ng mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, patatawarin ang mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at palalayain ang tao mula sa kasalanan.

Mar 7, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

Cristo, Jehova, Noah,Biblia.Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat.



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas



   Sa isang pagsiklab ng kidlat, naibunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati nilang pag-aari. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, lumulubog sa ilalim mula sa ibabaw, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi iiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang kahulilip. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakakakilala sa Akin ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningningmaliwanag ang sikat ng araw.

Mar 4, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

Papuri, Kaharian, maghanap, Jehova,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos |  Ang Ikalabindalawang Pagbigkas


   Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang mga pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga ng luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. Sa madaling panahon ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; sa madaling panahon ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?

Nob 10, 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat nang nasa Mga Yaon

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, at ito ay may kaugnayan sa gawain na nilayon Niyang gawin. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehovah ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Kristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Kristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehovah ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehovah; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Kaya sa kasalukuyan, kinakain at iniinom pa rin ng mga tao ang mga salita ni Jehova, at ikinakapit pa rin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan—hindi mo ba sinusunod ang patakaran? Hindi ka ba naiipit sa nakaraan? Sa kasalukuyan, nababatid mo na ang mga huling araw ay dumating na. Kapag si Jesus ay dumating, tatawagin pa rin ba Siyang Jesus? Sinabi ni Jehova sa mga tao ng Israel na ang isang Mesias ay darating, ngunit nang Siya ay dumating, hindi Siya tinawag na Mesias kundi Jesus. Sinabi ni Jesus na Siya ay muling darating, at na Siya ay darating kagaya nang sa Siya ay umalis. Ang mga ito ay mga salita ni Jesus, ngunit nasaksihan mo bang umalis si Jesus? Kaya si Jesus ay umalis sa isang puting ulap ngunit personal ba Siyang babalik sa gitna ng tao sa isang putting ulap? Kung magkagayon, hindi ba Siya tatawagin pa ring Jesus? Kapag muling dumating si Jesus, ay nagbago na rin ang kapanahunan, gayon maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Kilala lamang ba ang Diyos sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring tawagin ng bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang anyo ng isang tao at ang isang tanging pangalan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehovah at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalang sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehovah, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakayang pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw? Si Jesus ay umalis sa isang puting ulap, ito ay katotohanan, ngunit paano Siya makababalik sa isang puting ulap sa gitna ng tao at tatatawagin pa ring Jesus? Kung Siya ay talagang dumating sa isang ulap, hindi ba Siya makikilala ng tao? Hindi ba Siya makikilala ng mga tao sa buong mundo? Kung magkagayon, hindi ba magiging Diyos si Jesus nang mag-isa? Kung magkagayon, ang larawan ng Diyos ay magiging ang kaanyuan ng isang Judio, at mananatiling gayon magpakailanman. Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa iyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis sa isang ulap ngunit nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya, “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam.” Kung may kakayahan kang makaalam at makakita, kung gayon hindi ba mga salitang hungkag ang mga ito? Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, ngunit nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? “Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” Kapag dumating ang araw na yaon, hindi ‘yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging Siya Mismo ay hindi alam, kayo paano mo nalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis. Kapag Siya ay dumating, maging Siya sa Kanyang Sarili ay hindi nakakaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nakikita mo ba ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro? Sa tuwing darating ang Diyos sa lupa, babaguhin Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang kanyang anyo, at ang Kanyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain, at lagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa Kanyang pagdating noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Jesus kapag bumalik Siya sa pagkakataong ito? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari pa rin ba Siyang maging lalaki sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang Siya ay pumarito noong Kapanahunan ng Biyaya ay maipako sa krus; kung Siya’y muling dumating, muli ba Niyang tutubusin ang sangkatauhan sa kasalanan? Ipapako pa rin ba Siya sa krus? Hindi ba’t iyon ay pag-uulit lamang ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma? Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.

Okt 15, 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan,  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat

Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay tumitira sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehovah, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawala mo na ang lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagliligtas, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang makibaka at magmadali. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masamang nilalang, inilayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga probisyon ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masamang nilalang, na tinukso ka papunta sa walang hanggang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kainosentehan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masamang nilalang ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot sa kanya, hindi na siya iniiwasan, hindi na rin siya pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin siya bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na siyang gawan ng altar, sambahin siya, hindi ka mahiwalay na para bang kanyang anino, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang palagay kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o kung bakit ka mamamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masamang nilalang, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga probisyon mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masamang nilalang ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama siya, kumukontra ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na nang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakalimutan mo na ang masamang nilalang ay tinukso ka, pinahirapan ka; nakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masamang nilalang ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masamang nilalang bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.

Okt 13, 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan,  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang
Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang panahon ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa ang mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehovah ay nasa paggawa sa Israel at si Jesus Sarili Niya ay tinupad ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang—tao na Siya ay nasa paggawa sa Judea-at anuman ang kalagayan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak nang lampas sa Israel. Hindi Siya nasa paggawa sa mga taga Egipto; hindi Siya nasa paggawa sa mga Indiyano; nasa paggawa lamang Siya sa mga Israelita. Samakatuwid ang mga tao ay bumuo ng iba’t-ibang pagkaintindi; bukod pa rito, binuo nila ang plano ng gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sabi nila na kapag ang Diyos ay nasa paggawa, dapat itong matupad sa mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala ng iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, at wala rin Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay partikular na mahigpit sa “pagdidisiplina” ng Diyos na nagkatawang tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa saklaw ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa lahat ng mga nilalang; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain na para lamang sa Israel? Kung magkagayon, ano ang silbi sa Kanya para gawin ang kabuuan ng Kanyang paglalang? Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Intsik ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay gumawa sa pasimula sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan,  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan
Kailangan lahat ng mga tao na maunawaan ang layunin ng Aking gawain sa lupa, iyon ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung ano ang antas na dapat kong makamit sa gawaing ito bago ito maging kumpleto. Kung ang mga tao, na lumalakad kasama Ako sa araw na ito, ay hindi maintindihan kung ano ang tungkol sa Aking gawain, sa gayon ay walang kabuluhan ang kanilang paglakad kasama Ako? Ang mga taong sumusunod sa Akin ay dapat alam ang Aking kalooban. Ako ay nagtatrabaho sa mundo nang may libo-libong taon na, at Ako ay gumagawa pa rin nito ngayon. Bagaman may mga karamihang natatangi na iba’t-ibang mga bagay na kasama sa aking gawain, ang layunin nito ay nananatiling hindi nagbabago. Halimbawa, bagaman Ako ay napupuno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ito pa rin ay upang iligtas siya, upang mahusay na kumalat ang Aking Ebanghelyo at higit pang palawakin ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil sa panahong ang tao ay naging kumpleto. Kaya ngayon, sa panahon na maraming mga tao ang lubos na nawalan ng pag-asa, Ako ay nagpapatuloy sa Aking gawain, pinagpapatuloy ang gawaing nararapat upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay sawang-sawa na sa Aking sinasabi at hindi alintana ang katunayan na siya ay walang pagnanais na pahalagahan ang tungkol sa Aking gawain, ipinagpapatuloy Ko pa rin ang Aking tungkulin dahil ang layunin ng aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang pakay ng Aking paghatol ay upang gawin ang tao na mas mahusay na sumunod sa Akin, at ang pakay ng Aking pagkastigo ay upang payagan ang mga tao na magkaroon ng mas mahusay na pagbabago. Bagama’t ang gagawin Ko ay para sa kapakanan ng Aking pamamahala, hindi Ako kailanman gumawa ng anumang bagay na hindi mapapakinabangan ng tao. Iyon ay dahil gusto Kong gawin ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel na maging kasing masunurin gaya ng mga Israelita at gawin silang mga tunay na lalaki, kaya Ako ay may isang panghahawakan sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ay ang gawain na Aking tutuparin sa mga lupain ng mga Hentil. Kahit sa ngayon, maraming mga tao ang hindi pa rin maunawaan ang Aking pamamahala dahil sila ay walang pakialam dito, sa halip basta nag-isip lamang ng kanilang mga kinabukasan at mga patutunguhan. Kahit ano pa man ang Aking sinasabi, ang mga tao ay walang malasakit sa Aking gawain, nakatutok lamang sa mga patutunguhan ng kanilang kinabukasan. Kaya kung ito ay magpapatuloy, paano lalawak ang Aking gawain? Papaano kakalat sa buong mundo ang Aking Ebanghelyo? Kailangan ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumalawak, Ikakalat ko kayo, at tatamaan kayo tulad ng kung papaano tinamaan ni Jehovah ang mga tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang ang Aking ebanghelyo ay lumawak sa buong mundo upang ang Aking gawain ay maaaring kumalat sa mga bansang Gentil. Kung kaya, ang Aking pangalan ay dadakilain ng mga parehong matatanda at mga bata at ang Aking banal na pangalan ay itataas sa pamamagitan ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng mga angkan at mga bansa. Sa huling panahon, ang Aking pangalan ay dadakilain sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin ang Aking mga gawaing nakikita ng mga Hentil upang sila ay tawagin Akong Makapangyarihan sa lahat, at ipatupad ang Aking mga salita. Ipagbibigay-alam ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, bagkus Diyos ng lahat ng mga bansang Gentil, pati na rin ng mga bansang Aking isinumpa. Pahihintulutan ko ang lahat ng mga tao na makita na Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ito ay ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na ipapatupad sa mga huling araw.