菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bagay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bagay. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 24, 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,Kidlat ng Silanganan,  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas
Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang mga pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga ng luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. Sa madaling panahon ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; sa madaling panahon ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?

Okt 22, 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikaapat na Pagbigkas

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,  Kidlat ng Silanganan,  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikaapat na Pagbigkas
Dapat magbalik-tanaw sa nakaraan ang lahat ng Aking bayan na naglilingkod sa Aking harapan: Nadungisan ba ng karumihan ang inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano ba kalaki ang lugar na Aking hawak sa loob ng inyong mga puso? Napunan Ko ba ang kanilang kabuuan? Gaano ba ang natupad ng Aking mga salita sa loob ninyo? Huwag mo Akong ituring na isang mangmang! Ganap na malinaw sa Akin ang mga bagay na ito! Ngayon, sapagka’t binigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, mayroon bang nadagdag sa inyong pag-ibig para sa Akin? Mayroon bang bahagi ng inyong katapatan para sa Akin ang naging dalisay? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ang nakaraang papuri ng isang matatag na pundasyon para sa inyong kaalaman ngayon? Gaano kalaki ang okupado ng Aking Espiritu sa loob ninyo? Gaano kalaki ang lugar na hawak ng Aking imahe sa loob ninyo? Tumama ba ang Aking mga pagbigkas sa inyong Achilles’ heel? Tunay bang nararamdaman ninyo na kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Tunay bang naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking bayan? Kung ikaw ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa madilim na tubig, na nandoon ka lamang upang mapadami ang bilang, at sa panahong Aking itinalaga, ikaw ay tiyak na aalisin at ihahagis sa napakalalim na hukay sa pangalawang pagkakataon. Ito ang Aking mga salitang pangbabala, at ang sinumang magwalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad. Hindi nga ba ganito? Kailangan Ko pa bang magbigay ng mga halimbawa upang ilarawan ito? Kailangang Ko bang magsalita nang mas malinaw upang magbigay ng isang sukatan para sa inyo? Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, maraming mga tao ang sumuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa huli, namatay ang kanilang mga katawan at itinapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at kahit ngayon nagdaranas pa rin sila ng mabigat na kaparusahan. Maraming mga tao ang sumunod sa Aking mga salita, ngunit nawala sila sa Aking pagliliwanag at pagpapalinaw at sa gayon ay tinaboy Ko sa isang tabi, nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging yaong mga tutol sa Akin. (Ngayon lahat yaong mga direktang tumututol sa Akin ay sumusunod lamang sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking mga salita.) Mayroong marami, rin, ang nakinig lamang sa mga salitang Aking sinabi kahapon, na tangan ang basura ng nakaraan at hindi pinahalagahan ang bunga ng kasalukuyan. Hindi lamang naging bihag ni Satanas ang mga taong ito, ngunit naging walang hanggang mga makasalanan at naging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin. Ang ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking pinakamatinding poot, at ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madilim na piitan (na ang ibig sabihin, ang mga taong tulad nito ay bulok, manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas: sapagka’t ang kanilang mga mata ay Aking tinakpan ng tabing, Aking masasabi na sila ay mga bulag). Makabubuting magbigay ng isang halimbawa para sa inyong pagtukoy, upang may matutunan kayo mula rito:

Okt 13, 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan,  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan
Kailangan lahat ng mga tao na maunawaan ang layunin ng Aking gawain sa lupa, iyon ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung ano ang antas na dapat kong makamit sa gawaing ito bago ito maging kumpleto. Kung ang mga tao, na lumalakad kasama Ako sa araw na ito, ay hindi maintindihan kung ano ang tungkol sa Aking gawain, sa gayon ay walang kabuluhan ang kanilang paglakad kasama Ako? Ang mga taong sumusunod sa Akin ay dapat alam ang Aking kalooban. Ako ay nagtatrabaho sa mundo nang may libo-libong taon na, at Ako ay gumagawa pa rin nito ngayon. Bagaman may mga karamihang natatangi na iba’t-ibang mga bagay na kasama sa aking gawain, ang layunin nito ay nananatiling hindi nagbabago. Halimbawa, bagaman Ako ay napupuno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ito pa rin ay upang iligtas siya, upang mahusay na kumalat ang Aking Ebanghelyo at higit pang palawakin ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil sa panahong ang tao ay naging kumpleto. Kaya ngayon, sa panahon na maraming mga tao ang lubos na nawalan ng pag-asa, Ako ay nagpapatuloy sa Aking gawain, pinagpapatuloy ang gawaing nararapat upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay sawang-sawa na sa Aking sinasabi at hindi alintana ang katunayan na siya ay walang pagnanais na pahalagahan ang tungkol sa Aking gawain, ipinagpapatuloy Ko pa rin ang Aking tungkulin dahil ang layunin ng aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang pakay ng Aking paghatol ay upang gawin ang tao na mas mahusay na sumunod sa Akin, at ang pakay ng Aking pagkastigo ay upang payagan ang mga tao na magkaroon ng mas mahusay na pagbabago. Bagama’t ang gagawin Ko ay para sa kapakanan ng Aking pamamahala, hindi Ako kailanman gumawa ng anumang bagay na hindi mapapakinabangan ng tao. Iyon ay dahil gusto Kong gawin ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel na maging kasing masunurin gaya ng mga Israelita at gawin silang mga tunay na lalaki, kaya Ako ay may isang panghahawakan sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ay ang gawain na Aking tutuparin sa mga lupain ng mga Hentil. Kahit sa ngayon, maraming mga tao ang hindi pa rin maunawaan ang Aking pamamahala dahil sila ay walang pakialam dito, sa halip basta nag-isip lamang ng kanilang mga kinabukasan at mga patutunguhan. Kahit ano pa man ang Aking sinasabi, ang mga tao ay walang malasakit sa Aking gawain, nakatutok lamang sa mga patutunguhan ng kanilang kinabukasan. Kaya kung ito ay magpapatuloy, paano lalawak ang Aking gawain? Papaano kakalat sa buong mundo ang Aking Ebanghelyo? Kailangan ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumalawak, Ikakalat ko kayo, at tatamaan kayo tulad ng kung papaano tinamaan ni Jehovah ang mga tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang ang Aking ebanghelyo ay lumawak sa buong mundo upang ang Aking gawain ay maaaring kumalat sa mga bansang Gentil. Kung kaya, ang Aking pangalan ay dadakilain ng mga parehong matatanda at mga bata at ang Aking banal na pangalan ay itataas sa pamamagitan ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng mga angkan at mga bansa. Sa huling panahon, ang Aking pangalan ay dadakilain sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin ang Aking mga gawaing nakikita ng mga Hentil upang sila ay tawagin Akong Makapangyarihan sa lahat, at ipatupad ang Aking mga salita. Ipagbibigay-alam ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, bagkus Diyos ng lahat ng mga bansang Gentil, pati na rin ng mga bansang Aking isinumpa. Pahihintulutan ko ang lahat ng mga tao na makita na Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ito ay ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na ipapatupad sa mga huling araw.