Karamihan sa mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo ay naririnig ang tungkol sa Kidlat ng Silanganan at mula sa kanilang mga pastor, mga elder, o mga mangangaral, ngunit sa katunayan walang nakakaalam kung saan nagmumula ang Kidlat ng Silanganan. Kapag pinag-uusapan ang pinagmulan ng Kidlat ng Silanganan, bawat isa ay may sariling opinyon: Naniniwala ang ilang tao na ito ay walang iba kundi isang bagong denominasyon sa Kristiyanismo, pinipintasan naman ito ng iba bilang “maling pananampalataya” o isang “masamang kulto.” Ang mga tao ay may ganitong kakatwang mga ideya dahil hindi nila alam ang gawain ng Diyos.
Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos- Arko ng mga Huling Araw
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Hul 7, 2019
Hun 18, 2019
Salita ng Diyos | Tunay na patotoo ba ng pananampalataya sa Diyos kung natatamasa lamang ng isang tao ang biyaya ng Diyos?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig.
May 29, 2019
Ebangheliyong pelikula | Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (3) "Pagbubunyag sa Hiwaga ng Pagkakatawang-tao"
Ebangheliyong pelikula | Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (3) "Pagbubunyag sa Hiwaga ng Pagkakatawang-tao"
Kahit alam ng mga taong nananalig sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay Diyos na naging tao, wala talagang nakakaunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ipinropesiya sa Biblia na muling paparito ang Panginoon sa katawang-tao para magsalita at gumawa sa mga huling araw. Kung hindi natin kilala ang Diyos na nagkatawang-tao, walang paraan para tanggapin natin ang ikalawang pagparito ng Panginoon.
May 25, 2019
Tagalog Gospel Songs | Dapat Kayong Maging Isang Tao Na Tumatanggap ng Katotohanan
Tagalog Gospel Songs | Dapat Kayong Maging Isang Tao Na Tumatanggap ng Katotohanan
I
Piliin ang inyong sariling landas,
huwag tanggihan ang katotohanan
o lapastanganin ang Banal na Espiritu.
Huwag maging mangmang, huwag maging mapagmataas.
Sundin ang patnubay ng Banal na Espiritu.
Ang pagbabalik ni Jesus ay isang malaking kaligtasan
para sa lahat ng may kakayahang tanggapin ang katotohanan.
May 9, 2019
Tagalog Christian Movies | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan
Tagalog Christian Movies | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan
Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan. Gayunman, may ilan sa kanila na nagdududa tungkol sa gawain ng Diyos at nagnanais na isuko ang kanilang pagsusuri sa tunay na daan dahil sa kaso sa Zhaoyuan Shandong noong Mayo 28, at dahil naniwala sila sa mga kasinungalingan na ipinakalat ng ateistang pamahalaan ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga pastor at matatanda sa iglesia ng mundo ng relihiyon. Ang ang tunay na isyu dito? Ang kaso ba sa Shandong Zhaoyuan ay may kaugnayan sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Kaninong mga salita ang dapat na pakinggan ng mga Kristiyano sa paghahanap at pagsusuri sa tunay na daan?
Abr 20, 2019
Tagalog Christian Songs | Praise and Worship “Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan”
Tagalog Christian Songs | Praise and Worship “Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan”
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
Abr 12, 2019
Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit
Best Christian Family Movie "Saan Ang Aking Tahanan" Clip 1 - Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit
Bakit may paghihirap sa buhay ng tao? Marami ang nakipagbuno sa tanong na ito ngunit hindi kailanman nakatagpo ng kasagutan. Nakatagpo si Wenya at ang kanyang pamilya ng isang hindi inaasahang pagbabago sa mga pangyayari, na ganap na naranasan ang malalaking pagbabago sa mga relasyon ng tao. Sa huli, natagpuan nila ang ugat ng pagdurusa sa mga buhay ng tao sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at naunawaan kung paano iwawaksi ang kanilang sakit na naranasan at kung paano makakamtan ang tunay na kasiyahan. Ang kahanga-hangang maiksing palabas na, “Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit” mula sa isang Kristiyanong pelikula na Nasaan ang Aking Tahanan, ang tutulong sa inyo na malaman ang kasagutan.
Abr 9, 2019
Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!
Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!
Sagot: Tungkol sa kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit: Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa atin na ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit.
Abr 8, 2019
Tagalog Christian Movies | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" Clip 7
Tagalog Christian Movies | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" - Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit? (Clip 7/9)
Iniisip ng ilang mananampalataya na ang tanging kailangan nating gawin ay magdusa at bayaran ang kapalit na ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon, pasanin ang krus at sundan ang Panginoon, at magpakumbaba, magpasensiya at magtitis, at sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng ito sinusunod natin ang kalooban ng Ama sa langit, at naniniwala rin sila na kung palagi tayong magpupursige sa pananampalataya natin sa ganitong paraan, sa kalauna’y ililigtas tayo ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit at makakamit ang walang hanggang buhay.
Mar 24, 2019
Gano’n pa man, sumampalataya kami sa Panginoon nang maraming taon, laging gumagawa para sa Panginoon at naghihirap nang labis. Hinding-hindi namin itinanggi ang pangalan ng Panginoong Jesus o trinaydor Siya. Samakatuwid, ayon sa pangako ng Panginoon, hindi Niya kami pababayaan. Kung dumating na ang Panginoon, kami na dapat ang una Niyang iniakyat sa kaharian ng langit. Bakit una kayong tumanggap habang naiwan kami sa ibaba? Hindi kami kumbinsido! Kung hindi namin tatanggapin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, talaga bang hindi kami makakapasok sa kaharian ng langit? Yon ang pinakamahalaga sa akin. Pa’no niyo ‘yon bibigyang-kahulugan?
Sagot: Talagang napakadali lang no’ng ipaliwanag. Ang mga naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon ay maaaring nabasa na ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan. At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa’t araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan. At siya’y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa; At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan. Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa.
Peb 26, 2019
Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?
Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain. Tingnan natin kung paano ito sinabi ng Makapangyarihang Diyos.
Peb 12, 2019
Ang Tunay na Kahulugan ng Pagdala | Ang mga sinabi niyo ang paghahangad natin sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa ‘tin sa alapaap ay nagmula lang talaga sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Seryosong naipagkanulo na natin ang mga salita ng Panginoon. Dahil do’n, pa’no tayo ngayon maghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa atin sa alapaap? Pwede mo ba ‘yong ipaliwanag pa nang mas detalyado?
Sagot: Ang pag-asam ng mga santo na madala sa alapaap ay base sa sariling mga salita ng Panginoong Jesus. “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Iniinterpreta natin ang mga salita ng Panginoong Jesus ayon sa mga sarili nating pagkaintindi at imahinasyon. Iniisip nating dahil umakyat sa langit ang Panginoong Jesus gamit ang alapaap, ang lugar na inihanda ng Panginoon para sa sangkatauhan ay marahil nasa langit. Samakatuwid, hinihintay natin na magbalik ang Panginoong Jesus at iakyat tayo sa langit. Bukod pa ro’n, partikular nating iginagalang ang mga salita ni Pablo: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17).
Ene 28, 2019
Ang Daan ng Pagdating ng Panginoon|Tanong 2: Hindi pa natin nasisiguro kung nasa lupa o nasa langit ang kaharian ng Diyos. Maraming beses nang nagsalita ang Panginoong Jesus ng “malapit na ang kaharian ng langit” at “Dumarating ang kaharian ng langit.” Kung “kaharian ng langit,” ibig sabihin nasa langit ‘yon. Pa’no ‘yon napunta sa lupa?
Sagot: Kailangang maging malinaw sa ‘ting lahat na ang “langit” ay laging tumutukoy sa Diyos. Ang “kaharian ng langit” ay malinaw na tumutukoy sa kaharian ng Diyos. Inihahayag din sa Pahayag, “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo.” Ibig sabihin no’n, itatatag sa lupa ang kaharian ng Diyos. Sa huli, magiging kaharian ng Diyos ang mga kaharian sa lupa. Matapos masira ang lumang mundo sa malalaking sakuna, lilitaw ang Milenaryong Kaharian. Ang mga kaharian sa lupa ay magiging mga kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Kristo.
Dis 25, 2018
Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?
Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).
Dis 18, 2018
Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?
Q&A tungkol sa Ebanghelyo | Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?
Sagot: Ang pangunahing ibig sabihin ng paglala ng katampalasanan ay ang pagsuway ng mga pinuno at pastor ng relihiyon, at mga elder sa kalooban ng Diyos at sa halip ay pagtahak sa sarili nilang daan. Hindi nila sinusunod ang mga utos ng Diyos, at binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para igapos, kontrolin, at linlangin ang mga tao, nilulunod sila sa teolohiya ng biblia, at inilalayo sila sa Diyos, ginagawa ang mga iglesia na mga lugar ng ritwal panrelihiyon, at itinuturing nila ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang paraan tungo sa katayuan at kita, na dahilan para gumawa ang marami ng mga mapagpaimbabaw na gawaing tumututol sa Diyos sa iglesia. Maraming tao ang nagbunyag sa kanilang mga sarili bilang mga hindi mananampalataya.
Dis 16, 2018
Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom
Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom
Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …
Dis 7, 2018
Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?
Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?
Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon, sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao.
Nob 23, 2018
Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?
Ang Iglesia at Relihiyon|Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?
Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba't ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n'yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo.
Nob 21, 2018
Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?
Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ngayon, pinag-aaralan Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na ikinasusuklaman ko ito, o itinatanggi ang halaga nito para sa sanggunian. Ipinapaliwanag Ko ang mga likas na halaga at mga pinagmulan ng Biblia sa inyo upang ihinto ninyo ang pananatilisa kadiliman.
Ago 27, 2018
Ang Landas... (6)
Ang Landas... (6)
Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)