菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 1, 2019

Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!

Sagot: Tungkol sa kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit: Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa atin na ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Mga kapatid, kahit nagsasakripisyo ang mga tao na ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, na tinatalikuran ang iba pa, hindi natin maikakaila na madalas din silang magkasala. Ang katotohanan na nagkakasala sila ay nangangahulugan na kampon sila ni Satanas at marumi at tiwali pa rin. Maaari pa rin nilang kalabanin at ipagkanulo ang Diyos. Ibig sabihin, hindi pa sila tunay na nalinis. Kung ginawa silang mga hari, magtatayo sila ng sarili nilang kaharian na kontra sa Diyos. Sapat ito para patunayan na hindi pa sila tunay na nalinis at nagawang banal.

Peb 8, 2019

Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos


Ngayon, pangunahin nating tatalakayin kung paano dapat maglingkod ang mga tao sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kundisyon na dapat matupad at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay humihipo sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo naglalakad patungo sa landas ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, at kung paanong ang inyong lahat-lahat ay inaayos ng Diyos, at hahayaan kayo ng mga iyon na malaman ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos sa inyo. Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong pahahalagahan ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at kung ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos nang kaayon sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawain ng Diyos, at hindi kayo magrereklamo, hindi kayo hahatol, o magsusuri, at lalong hindi magsasaliksik. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang kamatayan, hinahayaan ang Diyos na igiya kayo at katayin na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maaaring maging mga Pedro ng panahong 1990, at nagmamahal sa Diyos hanggang sa kasukdulan kahit na nasa krus, nang wala kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.

Ene 29, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos"


Tagalog Gospel Songs | Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos


Bilang mga kasapi ng sangkatauhan at mga Kristiyanong tapat,
pananagutan at obligasyon nating lahat
na ialay ang ating katawa't isipan
sa katuparan ng utos ng Diyos,
dahil buong pagkatao nati'y nagmula sa Diyos,
at umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
Kung mga katawa't isip nati'y 'di para sa utos ng Diyos
o para sa matuwid na layunin ng sangkatauhan,
mga kaluluwa nati'y 'di magiging karapat-dapat
sa mga taong naging martir para sa utos ng Diyos,
higit na mas 'di karapat-dapat sa Diyos,
na naglaan sa'tin ng lahat ng bagay, ng lahat ng bagay.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Dis 23, 2018

Tagalog Praise Songs | Paano Magtatag ng Normal na Pakikipag-ugnayan sa Diyos



Tagalog Praise Songs | Paano Magtatag ng Normal na Pakikipag-ugnayan sa Diyos


I
Nagsisimula sa pagpapatahimik ng puso mo
ang normal na relasyon sa Diyos.
Kahit di mo maunawaan,
tuparin mga tungkulin mo sa Kanya.
Di pa huli para hintayin na mabunyag
kalooban ng Diyos at isagawa.
Kapag tama ang relasyon mo sa Diyos,
gayon din naman sa mga nasa paligid mo.
Ang normal na relasyon sa Diyos ay walang pagdududa,
paglaban sa gawain ng Diyos.
Humarap sa trono na may tamang layunin, sarili'y isantabi.
Tanggapin ang paghahanap ng Diyos,
magpasakop sa Diyos, unahin ang interes ng pamilya Niya.
Kung magsasagawa ka nang ganito,
magiging normal ang relasyon mo sa Diyos.