菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapangyarihan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapangyarihan. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 21, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao’y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao’y muling mabuhay.

Dis 6, 2017

Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

buhay, lahat ng bagay, umasa sa, kapangyarihan,paniniwala

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

    Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at di alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng matamis at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, di alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Nob 30, 2017

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

buhay na walang hanggan, Daan, Magpasalamat, ipahayag, kapangyarihan


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

    Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.