菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Daan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Daan. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 6, 2018

Salita ng Diyos | Ano ang paghatol?

katotohanan, Cristo, daan, Buhay, Espiritu


════════════.❋.═════════════


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos:
  Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hul 28, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?" (Tagalog Dubbed)




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Judio ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man Ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinaka-dakilang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, naguusap-usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing Ako si Elias, Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng mga propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking katauhan o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin Ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?"

Hul 25, 2018

Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed




Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Hun 30, 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


I
Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito,
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

May 30, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya




  Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos."

Peb 6, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

I
Ialay ‘yong sarili sa Diyos, sarili’y ilaan sa Kanya,
Iniwan ng pamilya, sinira ng mundo.
Hindi patag ang daan pagsunod sa Diyos.
Puso’t kaluluwa’y ‘nilagak sa paglawak ng kaharian ng Diyos.
Nakita ko pagpapalit ng panahon.
Tanggap ko’ng pagsapit ng saya’t lungkot.
Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya’y sinusunod.
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!

Peb 3, 2018

Is Faith in the Bible Equivalent to Faith in the Lord?

Is Faith in the Bible Equivalent to Faith in the Lord?

Most pastors and elders of the religious world believe that the Bible represents the Lord, and that believing in the Lord is believing in the Bible, and believing in the Bible is believing in the Lord. They believe that if one departs from the Bible then he cannot be called a believer, and that one can be saved and can enter the kingdom of heaven so long as he clings to the Bible. Can the Bible really represent the Lord? What exactly is the relationship between the Bible and the Lord? The Lord Jesus said, “Search the scriptures; for in them you think you have eternal life: and they are they which testify of me. And you will not come to me, that you might have life” (John 5:39-40). Almighty God says, “After all, which is greater: God or the Bible? Why must God’s work be according to the Bible? Could it be that God has no right to exceed the Bible? Can God not depart from the Bible and do other work? Why did Jesus and His disciples not keep the Sabbath? … You should know which came first, God or the Bible! Being the Lord of the Sabbath, could He not also be the Lord of the Bible?” (The Word Appears in the Flesh).

Ene 30, 2018

Are the Pastors and Elders of the Religious World Truly Appointed by the Lord?

Are the Pastors and Elders of the Religious World Truly Appointed by the Lord?

God personally gives testimony to everyone He appoints and makes use of. At the very least, they all receive the confirmation of the work of the Holy Spirit, exhibit the fruits of the Holy Spirit’s work, and can help God’s chosen people receive the provision of life and true shepherding. Because God is righteous and holy, everyone He appoints and uses must accord with God’s will. Pastors and elders from the religious world all lack the word of God as testimony, and also lack the confirmation of the work of the Holy Spirit. So how could pastors and elders within the religious world be personally appointed and used by God?
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Ene 25, 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo

I
Ako’y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa’Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni’t bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma’y sinasaktan Iyong puso.
Nguni’t ‘di Mo alintana sala ko
kundi gumagawa para sa ‘king kaligtasan.
Pag ako’y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.
Pag nagrerebelde, mukha Mo’y itinatago,
kadilima’y bumabalot sa akin.
Pagbalik ko sa ‘Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.
Pag hinahagupit ni Satanas,
hinihilom Mo aking sugat, puso’y nagagalak.
Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita’y asul pa ring sisikat,
pag naro’n Kang kasama ko.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita’y asul pa ring sisikat,
pag naro’n Kang kasama ko.

Ene 13, 2018

Awit ng Papuri - Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos

katotohanan, daan, buhay, tinig, maghanap



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Awit ng Papuri – Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos

I
Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos, dapat hanapin kalooban N’ya, hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos, hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos. Dahil kung nasa’n bagong salita N’ya, naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos; kung nasaan bakás ng Diyos, naro’n gawa N’ya, naro’n gawa N’ya. Kung nasaan pahayag ng Diyos, naro’n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos, at kung nasaan pagpapakita ng Diyos, naroon ang katotohanan, daan, buhay.

Dis 26, 2017

Kristianong Awitin – Siya Ang Ating Diyos

Diyos, buhay, daan, Jesus, ebanghelyo




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Siya Ang Ating Diyos

I
Siya lang ang may alam ng ating iniisip. Uri’t diwa natin ay talos N’ya, tulad ng palad N’ya. Tanging S’ya ang hukom sa taong tiwali at suwail. Tanging S’ya ang magsasabi’t gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos. S’ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha’t dunong ng Diyos. Tanging S’ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S’ya at mayro’n S’ya ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan. S’ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin. S’ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan. S’ya lang maghahayag mga hiwagang di-hayag ng Diyos, Di-hayag ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon. S’ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas, at mula sa tiwali ng ating, ng ating disposisyon. S’ya lang ang magliligtas sa atin mula kay Satanas, at sa tiwaling disposisyon, ng ating disposisyon.

Nob 30, 2017

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

buhay na walang hanggan, Daan, Magpasalamat, ipahayag, kapangyarihan


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

    Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.