菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Abr 1, 2019

I Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan


I Mga Klasikong Salita tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Pagliligtas sa Sangkatauhan



1. Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw.

Abr 10, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon


  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?”

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan



Mar 24, 2018

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pangangalaga ng Diyos ay Laging Kasama ng Sangkatauhan


I



  Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay, araw-araw, nagmamasid. Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili, tinitikman ang buhay ng tao, Tinitingnan ang bawat gawa ng tao. Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos? Sino ang humabol kailanman sa katotohanan? Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos, iningatan ang mga pangako na ginawa, at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos? Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila? Sino ang nagpahalaga sa Diyos tulad ng kanilang sariling buhay? Sino ang kailanman nakakita ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, o nahandang hipuin ang Diyos Mismo? Kapag ang mga tao ay lumubog sa tubig, inililigtas sila ng Diyos. Kapag 'di nila kayang harapin ang buhay, iniaangat sila ng Diyos at binibigyan sila ng lakas ng loob upang mabuhay muli, at binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon. Upang Siya'y tatanggapin nila bilang kanilang pundasyon. Kapag sumuway sila, tinatanggap ng Diyos ang pagkakataong ito upang ipakilala ang Kanyang Sarili sa kanila.