菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Himno. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Himno. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 15, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Sino ang Nakilala ang Diyos sa Katawang-tao" (Tagalog songs)


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Sino ang Nakilala ang Diyos sa Katawang-tao" (Tagalog songs)


I
Yamang ikaw ay isang mamamayan ng sambahayan ng Diyos,
yamang tapat ka sa kaharian ng Diyos,
kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat matugunan 
ang mga pamantayan mula sa Diyos,
matugunan ang mga pamantayan na hinihingi ng Diyos.

May 27, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan


I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

Mar 24, 2018

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pangangalaga ng Diyos ay Laging Kasama ng Sangkatauhan


I



  Tinitingnan ng Diyos ang paglalang, nagbabantay, araw-araw, nagmamasid. Mapagkumbabang itinatago ang Kanyang Sarili, tinitikman ang buhay ng tao, Tinitingnan ang bawat gawa ng tao. Sino ang tunay na naghandog ng kanilang sarili sa Diyos? Sino ang humabol kailanman sa katotohanan? Sino ang masigasig na nakatanggap sa Diyos, iningatan ang mga pangako na ginawa, at sinunod ang kanilang tungkulin sa Diyos? Sino ba ang nagpapahintulot sa Diyos na tumira sa loob nila? Sino ang nagpahalaga sa Diyos tulad ng kanilang sariling buhay? Sino ang kailanman nakakita ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, o nahandang hipuin ang Diyos Mismo? Kapag ang mga tao ay lumubog sa tubig, inililigtas sila ng Diyos. Kapag 'di nila kayang harapin ang buhay, iniaangat sila ng Diyos at binibigyan sila ng lakas ng loob upang mabuhay muli, at binibigyan sila ng pangalawang pagkakataon. Upang Siya'y tatanggapin nila bilang kanilang pundasyon. Kapag sumuway sila, tinatanggap ng Diyos ang pagkakataong ito upang ipakilala ang Kanyang Sarili sa kanila.

Mar 20, 2018

Buhay musika | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya

What I gain from this hymn:

God's love of man is practical and real, His affection to man is genuine and honest.

For sharing:

Himno,Pag-ibig,Diyos,iglesia,Espiritu



Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya'y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo'y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag-ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
'Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.
II
Pag tunay na alam ng puso mo ang disposisyon ng Diyos
at may pagpapahalaga sa Kanyang diwa,
madarama mong nasa panig mo ang Diyos,
madarama mong nasa panig mo ang Diyos.
Ito ang totoo!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan


Mar 3, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan


I
Kadakilaan, kabanalan, dakilang kapangyariha't pag-ibig, 
mga detalye ng kakanyahan at disposisyon ng Diyos
naibubunyag sa tuwing Siya'y nagpapatupad ng Kanyang gawain,
nakita sa Kanyang kalooban para sa tao,
natupad sa buhay ng sangkatauhan.

Peb 13, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bukas na Pangangasiwa ng Diyos sa Sansinukob

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bukas na Pangangasiwa ng Diyos sa Sansinukob

I
Kung mga bansa’t tao’y babalik sa Diyos,
ibibigay Niya lahat ng yaman ng langit sa sangkatauhan,
at nang umapaw walang kapantay na yaman dahil sa Kanya,
walang kapantay na yaman dahil sa Kanya.
Hanggang ang dating mundo ay nananatili,
poot ng Diyos ay t’yak ipupukol sa mga bansa,
ipapaalam mga utos Niya sa sansinukob,
at dala’y pagkastigo sa lalabag nito.
Mga bituin, araw’t buwan sa langit,
babaguhin ng Diyos lahat ng ‘to.
Kalangitan ay ‘di na gaya ng dati.
Lahat ng bagay sa mundo’y mababago.
Lahat maging ganap sa mga salita ng Diyos.
Babaguhin ng Diyos sa Kanyang salita.

Ene 7, 2018

Kristianong Awitin – Ang Kahalagahan ng Pamamahala ng Diyos sa Sangkatauhan

Kaligtasan, Himno, Jesus, ebanghelyo, Sangkatauhan




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Ang Kahalagahan ng Pamamahala ng Diyos sa Sangkatauhan

Pamamahala ng Diyos ay upang makuha mga taong sumasamba’t sumusunod sa Kanya. Napatiwali man ni Satanas, hindi na nila ito tinatawag na ama.
I
Pamamahala ng Diyos ay upang makuha ang mga taong sumasamba’t sumusunod sa Kanya. Napatiwali man ni Satanas, hindi na nila ito tinatawag na ama; Ang kapangitan ni Satanas, alam nila at tanggihan ito. Humaharap sila sa D’yos, tinatanggap kastigo’t hatol. Batid nila ang kasamaan, alam rin nila kung anong banal. Batid nila kadakilaan ng Diyos, at kasamaan ni Satanas.

Dis 29, 2017

Kristianong Awitin – Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

Diyos, buhay, Himno, Jesus, ebanghelyo




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo’ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos,
tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.

Dis 28, 2017

Kristianong Awitin – Ang Diyos sa Laman Ang Gumagawa ng Panlulupig sa Buong Sangkatauhan

Diyos, totoo, Himno, Jesus, ebanghelyo



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Ang Diyos sa Laman Ang Gumagawa ng Panlulupig sa Buong Sangkatauhan

I
Gawain ng Diyos sa laman ay di-kagila-gilalas, ni nababalot ng hiwaga. Ito’y tunay at totoo, tulad ng isa at isa ay dalawa; ito’y lantad at walang pandaraya. Tunay ang nakikita ng tao, gayundin ang nakamit nilang katotohanan at kaalaman. Kapag matapos ang gawain, kaalaman nila sa Kanya’y mapanibago, at ang mga pagkaintindi ng tunay na naghahangad sa Kanya’y mawawala. Ito’y di lang epekto ng gawain Niya sa mga Intsik, ngunit sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat, sumasalamin sa gawain Niyang paglulupig sa lahat.

Dis 25, 2017

Kristianong Awitin – Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

pag-ibig, Himno, Jesus, Diyos, ebanghelyo



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

I
Nilikha ng Diyos ang tao; naging masama man ito o sumunod man sa Kanya, Itinatanging nilikha, pinakamamahal pa rin ng Diyos. Ang tao’y ‘di laruan para sa Kanya.
II
Diyos ang Tagapaglikha at ang tao’y Kanyang nilikha. Tila iba ang hanay, ngunit lahat ng gawa ng Diyos ay higit pa sa kanilang ugnayan. Mahal ng Diyos ang tao, laging alaga’t malasakit binibigay. Walang kapaguran, Siya’y nagbibigay, hindi ramdam ang kalabisan, o na kailangan Niya ng pagkilala.

Set 1, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.
Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay pangkaharian.
Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,
nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.
Salita Mo’y umaakay sa amin at kami’y matamang sumusunod sa Iyo.
Sa D’yos na biyaya, disposisyong masama ay naiwaksi.
Lasap namin ang salita ng D’yos at namumuhay ng isang bagong buhay sa harap Niya.
Mahalin puso ng D’yos, tunay na ibigin Siya, pasalamatan at purihin Siya.
La la la la la ... la la la la la ...

Manalig na ang salita ng D’yos ay katotohanan at nagbibigay-buhay.
Nagsasama-sama sa salita ng D’yos at nakakaunawa sa katotohanan, kasama ang Banal na Espiritu na gumagawa sa atin.
Sarili ay gawing hungkag, maging simple’t bukás, at isabuhay pagiging isang taong tapat.
Katotohana’y nagpapalaya, pinupuno ang ating puso ng galak.
Buhay-iglesya nati’y kayrikit, at lahat ng mga banal ay sumigla.
Nagsasama-sama sa katotohanan at nagtutulungan, ang ating buhay ay mabilis na lumalago.
Tanggapin kahatulan, isagawa ang katotohanan, at isabuhay salita ng D’yos,
Isabuhay ang realidad ng katotohanan nang ang puso ng D’yos ay masiyahan.
La la la la la ... la la la la la ...