菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita-ng-Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salita-ng-Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 4, 2018

Ang Lahat ng Sansinukob Ay Bago sa Kaluwalhatian ng Diyos

langit, Diyos, salita-ng-Diyos, katotohanan, Espiritu






I
Sa loob ng kaharian Niya,
lumalabas ang mga salita ng Diyos.
At naglalakad Siya sa lahat ng dako sa lupa.
At Siya ay nagtagumpay sa lahat ng mga lugar sa lupa,
sa lahat ng marumi at mahalay na lupain.
Hindi lamang ang langit kundi ang mundo ay nagbabago.
Ang buong sansinukob ay bago sa kaluwalhatian ng Diyos.
Isang kamangha-manghang tanawin para makita ng lahat.
Tila ang tao'y nabubuhay sa isang langit
na kathang-isip ng tao,
malaya mula sa pagdakma ni Satanas
at mga pag-atake ng mga kaaway.

Hul 11, 2018

Paano Pumasok sa Realidad ng mga Salita ng Diyos

tumalima, Diyos, katotohanan, buhay, Isabuhay






*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ *¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ ✿❀*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸


I
Yaong mga ibinibigay ang lahat sa Diyos,
inilalagay ang kanilang mga sarili nang ganap sa harapan Niya,
masusunod nila ang Kanyang mga salita nang buong puso,
maisasagawa ang Kanyang mga salita.
Kung kumikilos ka ayon sa Kanyang kalooban,
iniisang-tabi ang laman,
gumagawa upang bigyang kasiyahan ang Kanyang kalooban,
ikaw ay papasok sa realidad ng salita ng Diyos,
ng salita ng Diyos!

II
Ginagawa nilang pundasyon ang mga salita ng Diyos
sa kanilang pag-iral,
hinahanap ang mga bahagi ng pagsasagawa
sa mga salita ng Diyos.
Ito ay isang taong tunay na nabubuhay,
nabubuhay sa presensiya ng Diyos.
Kung kumikilos ka ayon sa Kanyang kalooban,
iniisang-tabi ang laman,
gumagawa upang bigyang kasiyahan ang Kanyang kalooban,
ikaw ay papasok sa realidad ng salita ng Diyos,
ng salita ng Diyos!

III
Pag pinag-uusapan ang mas makatotohanang
pagpasok sa realidad ng mga salita ng D'yos,
ibig sabihin maisasagawa mo ang iyong tungkulin
at mabibigyang kasiyahan mo
ang mga pangangailangan ng D'yos.
Tanging itong mga uri ng praktikal
na mga aksyon ang matatawag
na pagpasok sa realidad ng Kanyang mga salita.
Kung magagawa mong pumasok sa realidad na ito,
kung gayon nasa iyo ang katotohanan.
Ito ang simula ng pagpasok sa realidad;
kailangan mo munang isagawa itong pagsasanay
at tanging pagkatapos nito na magagawa mong
pumasok sa mas malalim na mga realidad.
Kung kumikilos ka ayon sa Kanyang kalooban,
iniisang-tabi ang laman,
gumagawa upang bigyang kasiyahan ang Kanyang kalooban,
ikaw ay papasok sa realidad ng salita ng Diyos,
ng salita ng Diyos!

IV
Kung gagawin mo ang mabuti para sa iyong buhay
at bibigyang kasiyahan ang kalooban ng Diyos,
kinakain at iniinom ang Kanyang mga salita,
matutugunan mo ang iyong mga pangangailangan,
matamo ang maaaring kulang sa iyo, magbago,
kung gayon mapalulugod mo ang kalooban ng Diyos.
Kung kumikilos ka ayon sa Kanyang kalooban,
iniisang-tabi ang laman,
gumagawa upang bigyang kasiyahan ang Kanyang kalooban,
ikaw ay papasok sa realidad ng salita, oh …
Kung kumikilos ka ayon sa Kanyang kalooban,
iniisang-tabi ang laman,
gumagawa upang bigyang kasiyahan ang Kanyang kalooban,
ikaw ay papasok sa realidad ng salita ng Diyos,
ng salita ng Diyos!
Oo, ng salita ng Diyos, ng salita ng Diyos!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao




Hul 7, 2018

Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

iglesia, panalangin, Diyos, Karanasan, Jesus


  ════════════.❋.═════════════


  Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan. Kaya ngayon, naiintindihan ng mga tao ang maraming mga isyu; ang kulang sa kanila ay ang pagsasagawa sa Kanyang salita. Dapat maranasan ng mga tao ang lahat ng aspeto ng katotohanan nang detalyado, at tuklasin at hangarin pa ang higit na malawak na detalye, hindi basta na lamang maghintay na tanggapin kung ano ang nakahanda nang ibigay sa kanila; kung hindi sila ay magiging lampas ng kaunti sa mga manghuhuthot. Nalalaman nila ang salita ng Diyos, ngunit hindi ito isinasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay walang pagmamahal sa katotohanan, at sa huli ay maaalis. Ang pagkakaroon ng istilo kagaya ng isang Pedro sa panahon ng dekada 90 ay nangangahulugan na ang bawat isa sa inyo ay dapat magsagawa ng salita ng Diyos, magkaroon ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan at magkamit ng higit pa at lalong mas dakilang kaliwanagan sa inyong pakikipagtulungan sa Diyos, na magdadala ng higit pang Kanyang pagtulong sa inyong buhay. Kung nakabasa na kayo ng napakaraming salita ng Diyos ngunit naiintindihan lamang ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na karanasan, hindi ninyo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, ngunit mga letra lamang na walang buhay. At kung panghahawakan mo lamang ang mga letrang walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni hindi mo mauunawaan ang Kanyang kalooban. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan saka pa lamang magbubukas nang kusa ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos sa iyo, at sa karanasan mo lamang mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan, at tanging sa pamamagitan lamang ng karanasan mo matutuklasan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, kung gayon gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging bagay mong nauunawaan ay hungkag na mga letra at mga doktrina, na naging mga relihiyosong tuntunin sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung inyong isinasagawa at nararanasan ang salita ng Diyos, ito ay nagiging praktikal sa inyo; kung hindi ninyo hahangarin na isagawa ito, kung gayon ang salita ng Diyos sa iyo ay higit lang ng kaunti sa alamat ng ikatlong langit. Sa katotohanan, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang makamit Niya, o upang mas maging maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; iyan ang katotohanan sa inyong pananampalataya sa Diyos. Kung kayo ay naniniwala sa Diyos at umaasa para sa buhay na walang hanggan nang walang paghahangad na isagawa ang salita ng Diyos gaya ng isang bagay na mayroon kayo sa loob ninyo, kung gayon kayo ay hangal; kagaya lang ito ng pagpunta sa isang piging upang matandaan lamang kung ano ang makakain doon nang hindi man lamang titikman ito. Hindi ba hangal ang isang taong gayon?

Hun 25, 2018

Christian Musical Drama 2018 "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)





Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?


Hun 17, 2018

2. Ano ang mahalagang kaibhan sa pagitan ng maligtas at ng pagliligtas?

  <*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
¸.•°``°•. .•°``°•.¸.•°``°•. .•°``°•.¸.•°``°•.  .•°``°•.¸.•°``°•. .•°``°•.¸.•°``°•.   

  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).

  “kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45).


  Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos:

  Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hun 16, 2018

Tagalog Christian Worship Praise Songs 2018 | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan




I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.
Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.

Hun 13, 2018

Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos



I
Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo 
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Set 1, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.

Di-pananatilihin ng Diyos parehong gawain;
lagi itong nagbabago, laging bago.
Pareho ito sa mga bagong salita ng Diyos
at laging paggawa ng bagong gawain sa'yo.
Ito ang gawaing ginagawa ng Diyos;
ang susi'y nasa "nakakamangha," "nakakamangha" at "bago."
"Di-nagbabago ang Diyos, Siya'y laging Diyos."
Ito'y kasabihang tunay at totoo.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.

Ngunit habang nagbabago gawain ng Diyos,
para sa di-alam ang gawain ng Banal na Espiritu,
at kakat'wang tao na katotohana'y di-alam,
hahantong silang kalaban ng Diyos.
Kakanyahan ng Diyos kailanma'y di-magbabago;
Ang Diyos ay laging Diyos at kailanma'y di-Satanas.
Ngunit di-nangangahulugang gawain Niya'y di-nagbabago,
at patuloy ito tulad ng Kanyang kakanyahan.
Sinasabi mong Diyos kailanma'y di-nagbabago,
ngunit pa'no mo ipapaliwanag ang "kailanma'y di-luma, laging bago, laging bago"?
Gawain ng Diyos ay patuloy sa paglawak at pagbago,
Ipinapakita Kanyang kalooban at ipinapaalam rin sa tao.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Ago 30, 2017

Tagalog Gospel Videos | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Gospel Videos  |  Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

Ito ay isang kuwento na batay sa tunay na buhay. Dahil paulit-ulit na tumanggi ang mga mamamayan ng Qingping County sa lalawigan ng Sichuan na tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, dalawang beses silang nagdanas ng sakuna. Sa Malaking Lindol sa Sichuan, maraming kapatid sa pananampalataya na naniwala sa Makapangyarihang Diyos ang mahimalang pinrotektahan ng Diyos at nakaligtas. May nakasaksi sa mga totoong pangyayaring ito: yaong mga tumatanggap at sumusunod sa Diyos at yaong mga tumatanggi at kumakalaban sa Diyos. Ang dalawang klaseng ito ng mga tao ay may dalawang magkaibang-magkaibang kinahinatnan!


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mkatotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang

Ago 11, 2017

Nakarating na ang Milenyong Kaharian


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Nakita na ba ninyo kung anong gawain ang tutuparin ng Diyos sa grupong ito ng mga tao? Sinabi ng Diyos, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga pagbigkas at tuluy-tuloy, at sa hinaharap ang mga pagbigkas ng Diyos ay direkta pang gagabay sa buhay ng tao sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagpadala ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang tamasahin ng mga tao, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na nagpadala na ang Diyos ng mga bagay na kakainin at iinumin para tamasahin ng mga tao, at personal Siyang nagpadala na ng mga sumpa upang kastiguhin ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawain ay personal na isinasakatuparan ng Diyos.