菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 16, 2018

Tagalog Christian Worship Praise Songs 2018 | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan




I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.
Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.

Peb 5, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito’y nagsimulang mayanig.
Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa’n man Siya magpunta
kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Ene 25, 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo

I
Ako’y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa’Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni’t bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma’y sinasaktan Iyong puso.
Nguni’t ‘di Mo alintana sala ko
kundi gumagawa para sa ‘king kaligtasan.
Pag ako’y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.
Pag nagrerebelde, mukha Mo’y itinatago,
kadilima’y bumabalot sa akin.
Pagbalik ko sa ‘Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.
Pag hinahagupit ni Satanas,
hinihilom Mo aking sugat, puso’y nagagalak.
Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita’y asul pa ring sisikat,
pag naro’n Kang kasama ko.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita’y asul pa ring sisikat,
pag naro’n Kang kasama ko.

Ene 24, 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

I
Ngayon ako’y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko’y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita’y pinupuno ako ng kalugura’t kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili’t dumilig sa’king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa’kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo’y umaawit sa Iyo
nang dahil sa’Yong pagpapala.
Kami ngayo’y nagpupuri sa’Yo sapagkat kami’y iyong inangat.
Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin!
Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Ene 17, 2018

Awit ng Pagsamba | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Pagsamba | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan

I
Ang “awa” ay pwedeng unawain sa iba’t-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang “awa” ito’y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko.
Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko.
Ito’y awa ng Diyos at pagpaparaya sa tao.
Salitang karaniwan gamit ng Diyos sa tao,
ito’y nagdadala ng Kanyang puso’t saloobin sa tao.
Nang Diyos ay nagwika, binunyag lahat ng ganap.

Ene 9, 2018

Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (3)

pag-ibig, Langit, buhay, Kaligtasan, Paniwala

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (3)

    Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.

Ene 5, 2018

Kristianong Awitin – Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari

Diyos, tinig, pag-ibig, Papuri, Kaharian



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari

Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan, Prinsipe ng Kapayapaan, S’ya’y naghahari bilang Hari ng lahat!
I
Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggang, Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat! Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo. O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig, Itaas ating mga tinig, tayo’y umawit, pagka’t sa Sion Diyos ay nagbalik. Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem! Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo’y inaliw N’ya, Tinubos N’ya ang Jerusalem. Sa mga bansa’y pinamalas, ng Diyos ang bisig N’yang banal, pinakita ang tunay na Siya. Makikita’ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.

Ene 2, 2018

Kristianong Awitin - Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito

Diyos, Iglesia, panginoon, pag-ibig, buhay



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kristianong Awitin - Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito

I
Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig. Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, sa Kanyang mga nilikha. Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao. Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral. Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao. Lahat ay para sa tao.

Dis 30, 2017

Kristianong Awitin – Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Diyos, buhay, pag-ibig, Jesus, ebanghelyo





Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

I
Noo’y ‘di malinaw sa layon ng buhay, ngayo’y alam ko na. Hinanap ko’y estado at kasikatan. Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa ‘kin lamang. Sa dasal sambit dati’y magagandang salita, pero ang buhay ko ay hindi akma. Pananampalataya ko’y sa bukas ipinagbahala, katotohana’t realidad sa akin ay wala. Pananampalataya’y kulong sa ritwal at patakaran; ako’y naiwang walang saysay. Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibigng Diyos. Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta, nagsasabi sa’kin na mahalin ko rin Siya, Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso, ngayo’y iisa lang ang nais ko Oh Diyos, ang mabuhay para sa’Yo.

Dis 23, 2017

Kristianong Awitin – Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

pag-ibig, Biblia, Diyos, Biyaya, Jesus




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao Nakakamangha at kahanga-hanga Unang naipakita sa Biblia Sa istorya ni Adan at Eba Nakaka-antig at madamdamin Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
II
Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao. Inosente at puro, hindi nababagabag, puno ng biyaya sa buhay. Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak. Lahat ng ating salita’t gawa, ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay.
III
Mula nang unang likhain ang sangkatauhan, nasa isip ng Diyos, protektahan at laging bantayan Nais Niyang manalig ang tao sa Kanya (ang tao sa Kanya). At sundin ang Kanyang Salita, ito ang inasahan ng Diyos sa Sangkatauhan.
IV
Dala ang pag-asang ito, sinabi ng Diyos: “Bawat puno sa hardin, Malaya kang kumain, maliban lang sa puno ng kaalaman ng mabuti’t masama (mabuti’t masama). ‘Pagkat sa araw na kinain mo ‘yon, tiyak kang mamamatay.” Mga simpleng salita, sumasagisag ng nais Niya, nagpapakita ng malasakit ng Diyos para sa atin.
V
Sa mga simpleng salita, laman ng puso Niya’y nakita. May pag-ibig ba? Malasakit at Kalinga? Ito ay nadarama, pag-ibig Niya at alaga. Ng taong may konsensya at may pagkatao, may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya.
VI
Dahil sa ‘yong nadarama (nadarama), ano ngayon ang tugon mo sa Diyos? Kakapit ka ba sa Kanya? Mapitagang pag-ibig lalago sa puso? At sa Diyos ay mas lalapit pa? Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos, ngunit mas mahalaga na dama’t unawa ng tao. Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos, ngunit mas mahalaga na dama’t unawa ng tao. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Dis 8, 2017

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Job, pag-ibig, Pag-asa, karunungan, Pananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos - Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

    Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala ba ninyo kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pagsasama ay ang: Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa bawat isa.

Nob 1, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng pagsamba - Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng pagsamba - Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

Nais kong umiyak nguni't walang maiyakan.
Nais kong umawit nguni't walang maawit.
Nais kong ipahayag pag-ibig ng isang nilalang.
Naghahanap saan-saan, ngunit nadarama'y di masabi.
Praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Kamay 'tinataas sa pagpupuri't galak, naparito Ka sa mundo.

Ago 12, 2017

Awit ng Taos-pusong Pagkapit

buhay, pag-ibig, kaluwalhatian, Papuri, Himno



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Awit ng Taos-pusong Pagkapit



Ang Diyos ay ang Simula,
Ang Diyos ay ang Simula,
Ang Diyos ay ang Simula,
at ang Wakas,
at ang Wakas,
at ang Wakas.
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
at ang Tagaani (ang Tagaani).


Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.
Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.
Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.