Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas
Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man
ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng
bawat tao ay puno ng pag—ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa
ang kailanma’y nakakilala sa Akin-kung kaya sala sa lamig at sala sa
init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa
pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao,
at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita
ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga
hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at
ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako
kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at
naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong
ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na
nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad
ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika.
Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang
lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang
kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang
nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa
kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga
mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman,
bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng
pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang
kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko,
karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang
mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong
kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring
makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at
sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang
diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay
nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay
nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa
harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa
kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan
ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang
kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi
na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila
ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipag-tapos
sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana,
naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya,
nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at
patuloy siya sa “pananampalataya” sa kanyang pagsandig sa kanyang
sarili, ayaw niyang maging isang “pasanin” sa iba. Mahalaga ang mga
hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman
ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak
nang tahimik.
Sa bawa’t araw ako ay nagsasalita, at bawa’t araw
gumagawa rin Ako ng mga bagong bagay. Kung hindi ibubuhos ng tao ang buo
niyang lakas, mahihirapan siyang marinig ang Aking tinig, at
mahihirapan siyang makita ang Aking mukha. Maaaring mabuti ang
minamahal, at mahinahon ang Kanyang pananalita, nguni’t walang kakayahan
ang tao na madaling makita ang Kanyang maluwalhating mukha at
mapakinggan ang Kanyang tinig. Sa kabuuan ng mga kapanahunan, wala
kailanman ang basta-bastang nakakita sa Aking mukha. Minsan Akong
nagsalita kay Pedro at “nagpakita” kay Pablo, at wala nang ibang
tao—maliban sa mga Israelita—ang kahit kailan ay totoong nakakita sa
Aking mukha. Ngayon, personal Akong pumunta sa gitna ng tao upang
manahan nang kasama siya. Hindi ba bihira at mahalaga ang pakiramdam na
ito sa inyo? Ayaw ninyo bang gamitin ang oras ninyo sa pinakamahusay na
paraan? Gusto ninyo bang lalampasan na lamang kayo nito sa ganitong
paraan? Pwede kayang ang mga kamay ng orasan sa mga isipan ng mga tao ay
bigla na lamang tumitigil? O maaari kayang umandar ang oras nang
paatras? O maaari kayang maging bata muli ang tao? Puwede kayang bumalik
muli ang pinagpalang buhay ng kasalukuyan? Hindi Ako nagbibigay sa tao
ng isang naaangkop na “gantimpala” para sa kanyang “basura.” Pilit
lamang Akong nagpapatuloy sa paggawa ng Aking gawain, nakahiwalay sa
lahat ng iba pa, at hindi itinitigil ang daloy ng panahon dahil abala
ang tao, o dahil sa tunog ng kanyang mga pag-iyak. Sa loob ng ilang
libong taon, walang sinumang nakahati sa Aking lakas, at walang sinumang
nakapagpataob sa orihinal Kong plano. Lalampasan Ko ang kalawakan, at
sasaklawin Ko ang mga kapanahunan, at sisimulan Ko ang buod ng buo Kong
plano kapwa sa ibabaw at sa gitna ng lahat ng mga bagay. Walang sinuman
ang nakatanggap ng espesyal na pagtrato mula sa Akin, walang sinuman ang
nakakuha ng “gantimpala” sa Aking mga kamay. At kahit nabuksan na ng
mga tao ang kanilang mga bibig at nanalangin sa Akin, kahit na, walang
pag-sasaalang-alang sa lahat ng iba pa, iniuunat nila ang kanilang mga
kamay upang humingi sa Akin, wala sa mga ito ang nakaapekto kailanman sa
Akin, at napaurong silang lahat ng Aking “malupit” na tinig. Karamihan
sa mga tao ay naniniwala pa rin na “masyadong bata” pa sila at kaya
hinihintay Ako na magpakita ng masaganang awa, na maging mahabagin sa
kanila para sa pangalawang pagkakataon, at hinihiling nila na payagan Ko
silang gamitin ang likurang pinto. Gayunman ay paano Ko panghihimasukan
ang Aking plano nang ganun na lang? Maititigil Ko ba ang pag-ikot ng
mundo para sa kapakanan ng kabataan ng tao, para mabuhay pa siya ng
ilang taon sa lupa? Napakahirap unawain ang utak ng tao, gayunma’y tila
may mga bagay pa rin na kulang nito. Dahil dito, madalas may mga
lumilitaw na mga “kahanga-hangang paraan” sa isip ng tao na sadyang
nakagagambala sa Aking gawain.
Kahit napakarami ang mga panahon na
napatawad Ko ang tao sa kanyang mga kasalanan, at ipinakita Ko sa kanya
ang espesyal na pabor dahil sa kanyang kahinaan, maraming panahon din
ang inilaan Ko sa nararapat na pakikitungo sa kanya dahil sa kanyang
kamangmangan. Sadyang hindi lamang nalaman ng tao kahit kailan kung
paano niya pahahalagahan ang Aking kagandahang-loob, kaya siya nalugmok
sa kasalukuyan niyang kalagayan: balot ng alikabok, punit-punit ang mga
suot, napakakapal ng kanyang buhok na parang lumagong mga damo na
tumatakip sa kanyang ulo, napakadumi ng kanyang mukha, ang mga paa
niya’y may panyapak na ginawa niya lamang, ang mga kamay niya ay katulad
ng mga kuko ng isang patay na agila, mahinang-mahina na nakalaylay sa
kanyang tabi. Kapag binuksan Ko ang Aking mga mata at tumingin, parang
bagong ahon lamang ang tao mula sa walang-hanggang kalaliman. Wala Akong
nagawa kundi magalit: Parati Akong nagpaparaya sa tao, gayunman paano
Ko mahahayaan ang diyablo na pumasok at umalis mula sa banal Kong
kaharian kung kailan niya gusto? Paano Ko papayagan ang isang pulubi na
kumain nang libre sa Aking sambahayan? Paano Ko matitiis ang pagkakaroon
ng isang karumaldumal na espiritu bilang isang panauhin sa Aking
sambahayan? Ang tao ay naging palaging “mahigpit sa kanyang sarili” at
“maawain sa iba,” gayunma’y hindi siya kailanman naging magalang kahit
kaunti sa Akin, sapagka’t Ako ang Diyos sa langit, at sa gayon ay iba
ang pagtrato niya sa Akin, at kailanman ay hindi nagkaroon ng kahit
kaunting pagmamahal para sa Akin. Parang sadyang matalas ang mga mata ng
tao: Sa sandaling makatagpo niya Ako, nagbabago agad ang itsura ng
kanyang mukha at dinaragdagan pa niya ng kaunting pagpapahayag ang
kanyang malamig, manhid na pagmumukha. Hindi Ako naglalapat ng nararapat
na mga paghihigpit sa tao dahil sa kanyang saloobin sa Akin, nguni’t
tumitingin lamang sa mga kalangitan mula sa ibabaw ng mga sansinukob at
mula doon ay isinasakatuparan ang Aking gawain sa lupa. Sa alaala ng
tao, hindi Ako kailanman nagpakita ng kagandahang-loob sa kaninuman,
nguni’t hindi rin ako nang-abuso sa sinuman. Sapagka’t hindi naglalaan
ang tao para sa Akin ng isang “bakanteng upuan” sa kanyang puso, kapag
hindi Ako naghunos-dili at nanahan sa kanyang kalooban, itataboy niya
Ako nang biglaan, at gagamit ng mga magagandang salita at mga labis na
papuri sa paghingi ng mga paumanhin, na nagsasabing napakalaki ang
kanyang kakulangan at walang kakayahang maglaan sa sarili niya para sa
Aking kasiyahan. Sa pagsasalita niya, madalas natatabunan ang kanyang
mukha ng mga “madilim na ulap,” na parang may parating na kalamidad sa
gitna ng tao anumang oras. Gayun pa man ipinagtatabuyan niya pa rin Ako,
nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga panganib na kasangkot.
Kahit nagbibigay Ako sa tao ng Aking mga salita at ng init ng Aking
yakap, tila wala siyang tainga, kung kaya hindi niya pinapansin kahit
bahagya ang Aking tinig, sa halip ay hinahawakan ang kanyang ulo habang
papaalis. Lumilisan Ako sa tao na nakakaramdam ng kaunting pagkabigo, at
kaunti ring pagkapoot. Samantala, agad na naglalaho ang tao sa gitna ng
pagbugso ng malalakas na unos at malalaking alon. Sa hindi katagalan,
umiiyak siya sa Akin, nguni’t paano niya mapipigil ang galaw ng mga
hangin at alon? Unti-unti, nawala ang lahat ng bakas ng tao, hanggang sa
tuluyan na siyang naglaho.
Bago ang mga kapanahunan, tumingin Ako
sa lahat ng lupain mula sa itaas ng mga sansinukob. Binalak Ko ang
isang malaking gawain sa lupa: ang paglikha ng isang sangkatauhan na
ayon sa Aking puso, at ang paglikha ng isang kaharian sa lupa na katulad
ng isa na nasa langit, magdudulot sa aking kapangyarihan na punuin ang
mga kalangitan at sa Aking karunungan na mailatag sa buong sansinukob.
Kung kaya ngayon, pagkaraan ng libu-libong taon, nagpapatuloy Ako sa
Aking plano, gayunma’y walang nakaaalam sa Aking plano o pamamahala sa
lupa, lalong higit na hindi nila nakikita ang kaharian Ko sa lupa.
Samakatuwid, walang napapala ang tao, at lumalapit sa harap Ko upang
subukan Akong lokohin, gustong magbayad ng isang “suhol” para sa mga
biyaya Ko sa langit. Dahil dito, pinukaw niya ang Aking poot at Ako ay
nagdala ng paghatol sa kanya, nguni’t hindi pa rin siya nagigising. Para
bang siya ay nagtatrabaho sa ilalim ng lupa, ganap na ignorante sa kung
ano ang nasa ibabaw habang patuloy niyang hinahabol ang kanyang
sariling mga balakin at wala nang iba. Sa lahat ng mga tao, wala
kailanman Akong nakita na nabubuhay sa ilalim ng Aking nagniningning na
liwanag. Nabubuhay sila sa isang mundo ng kadiliman, at tila nasanay na
sa pamumuhay sa gitna ng lagim. Kapag dumarating ang liwanag sila ay
nananatili sa malayo, at para bang nakagagambala ang liwanag sa kanilang
gawain; bilang resulta, parang bahagyang naiinis sila, na para bang
nabasag ng liwanag ang kanilang kapayapaan at iniwan silang hindi
makatulog nang mahimbing. Dahil dito, ibinubuhos ng tao ang lahat ng
kanyang lakas upang itaboy ang liwanag. Tila kulang din sa “kamalayan”
ang liwanag, kung kaya ginigising niya ang tao mula sa kanyang
pagkakatulog, at kapag nagising ang tao, ipinipikit niya ang kanyang mga
mata, nadaig ng galit. Parang hindi siya nalulugod sa Akin, gayunma’y
alam Ko ang totoo sa Aking puso. Hinay-hinay Kong pinatitindi ang
liwanag, sinasanhi upang mabuhay ang lahat ng mga tao sa gitna ng Aking
liwanag, anupa’t hindi nagtagal nasanay sila sa pananatili sa liwanag,
at, higit pa rito, pinahahalagahan ng lahat ang liwanag. Sa panahong
ito, dumating ang kaharian Ko sa kalagitnaan ng tao, ang lahat ng mga
tao ay sumasayaw na may kagalakan at pagdiriwang, biglang napuno ng
kasayahan ang lupa, at binasag ng pagdating ng liwanag ang libu-libong
taon ng katahimikan. …
Marso 26, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas
Rekomendasyon:
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento