Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas
Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man
ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng
bawat tao ay puno ng pag—ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa
ang kailanma’y nakakilala sa Akin-kung kaya sala sa lamig at sala sa
init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa
pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao,
at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita
ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga
hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at
ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako
kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at
naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong
ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na
nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad
ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika.
Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang
lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang
kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang
nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa
kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga
mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman,
bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng
pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang
kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko,
karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang
mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong
kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring
makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at
sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang
diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay
nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay
nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa
harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa
kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan
ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang
kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi
na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila
ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipag-tapos
sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana,
naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya,
nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at
patuloy siya sa “pananampalataya” sa kanyang pagsandig sa kanyang
sarili, ayaw niyang maging isang “pasanin” sa iba. Mahalaga ang mga
hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman
ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak
nang tahimik.