菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Pangalan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Pangalan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 27, 2019

Yamang sinasabi mong ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon ay hindi maaaring kumatawan sa Kanyang kabuuan, kung gayon, ano ang kahalagahan ng Kanyang pangalan sa bawat kapanahunan?

Sagot: Napakahalaga ng tanong na ito, Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “‘Jehova’ ang pangalan na kinuha Ko sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugan na ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring naaawa sa tao, sinusumpa ang tao, at gumagabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na nag-aangkin ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang alay dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang kumatawan sa isang bahagi ng plano sa pamamahala. Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova.

Ago 9, 2019

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sa loob ng ilang libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna niyaong mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makasama ng mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasakatuparan ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa gitna ng mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, patatawarin ang mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at palalayain ang tao mula sa kasalanan.

Ago 2, 2019

Bakit tinatawag ang Diyos sa iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan? Ano ang mga kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kanya, hindi ba’t ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa bawat panahon na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, gumagamit Siya ng pangalan na naaangkop sa panahon upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa.

Peb 20, 2019

Bakit tinatawag ang Diyos sa iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan?


Maikling video ng mga Salita ng Diyos | Bakit tinatawag ang Diyos sa iba’t ibang pangalan sa iba’t ibang kapanahunan?


Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subalit may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang ‘Jesus’ ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat niyaong natubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon ng mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa larawan na Kanyang tinaglay sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano ng pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na makakayang sumulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay hindi darating, at ang kapanahunan ay hindi matatapos kailanman.
At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumarating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, lalo nang hindi Mesias, kundi tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa katapusan.”
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”