菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Fariseo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Fariseo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 8, 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha......Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas."


════════════.❋.═════════════

Malaman ang higit pa:

Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Hun 29, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈••┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈••┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.”

Mar 21, 2018

Mga Pagsasalaysay | Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses … na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, ngunit hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang Diyos ay ganito, ngunit paano mo samakatwid maipapaliwanag na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na naipapakita at ipinapaalam sa mga tao.”
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo


Mar 12, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

Langit, Fariseo, Espiritu, krus, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas


  
  Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.

Peb 11, 2018

Babagsak ang Lungsod | Bakit Aba ang Sinapit ng mga Hipokritong Fariseo?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Babagsak ang Lungsod | Bakit Aba ang Sinapit ng mga Hipokritong Fariseo?

Nakatala sa Biblia na hinatulan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo ng pitong mga aba. Sa kasalukuyan, ang landas na nilakaran ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo ay ganoon sa mga Fariseo at parehas nilang pinagdurusahan ang pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos. Kaya bakit hinatulan at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Dahil una, sila’y mayroong hipokritong diwa na sumuway sa Diyos, dahil nakatuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong rituwal at pagsunod sa mga patakaran, ipinaliwanag lang nila ang mga patakaran at mga doktrina sa Biblia at hindi isinabuhay ang mga salita ng Diyos o sinunod ang mga utos ng Diyos o ano pa man, at binalewala pa nila ang mga utos ng Diyos. Ang lahat ng bagay na kanilang ginawa ay lubusang sumalungat sa kalooban at hinihingi ng Diyos. Ito ang hipokritong diwa ng mga Fariseo at ito ang pangunahing dahilan ng pagkapoot at pagsumpa ng Panginoong Jesus sa kanila.
Rekomendasyon

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos