Karamihan sa mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo ay naririnig ang tungkol sa Kidlat ng Silanganan at mula sa kanilang mga pastor, mga elder, o mga mangangaral, ngunit sa katunayan walang nakakaalam kung saan nagmumula ang Kidlat ng Silanganan. Kapag pinag-uusapan ang pinagmulan ng Kidlat ng Silanganan, bawat isa ay may sariling opinyon: Naniniwala ang ilang tao na ito ay walang iba kundi isang bagong denominasyon sa Kristiyanismo, pinipintasan naman ito ng iba bilang “maling pananampalataya” o isang “masamang kulto.” Ang mga tao ay may ganitong kakatwang mga ideya dahil hindi nila alam ang gawain ng Diyos.
Ang Makapangyarihang Diyos - Ebanghelyo ng Huling Araw Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos- Arko ng mga Huling Araw
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Hul 7, 2019
Abr 19, 2019
"Sino Siya na Nagbalik" - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1
Tagalog Christian Movies: "Sino Siya na Nagbalik" Clip 1 - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1
Narito tayo ngayon sa huling yugto ng mga huling araw at natupad na lahat ng hula hinggil sa pagbabalik ng Panginoon. Dahil sinasabi ng mga hula sa Biblia na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga huwad na Cristo, samakatuwid, maraming tao ang nagsara ng kanilang mga pinto at nagkulong. Kahit may marinig silang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon, hindi sila lumalabas at naghahanap o nagsisiyasat, at higit pa riyan, naniniwala sila na anumang paraang nagsasabing nagbalik na sa katawang-tao ang Panginoon ay hindi totoo at nanlilinlang. Paano tayo dapat maging katulad ng matatalinong dalaga, na nakarinig sa tinig ng Diyos at masayang sinalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Tutulungan ka ng maikling pelikulang ito na maintindihan ang aspeto ng katotohanan hinggil sa pagkakaiba sa pagitan ng totoong Cristo at ng mga huwad na Cristo, para masalubong mo ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Set 18, 2017
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Ang Diyos ang Pinagmumulan ng
Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay (III)
Sa loob ng panahong ito, napag-usapan natin ang tungkol sa maraming mga bagay na may kinalaman sa pagkilala sa Diyos at kailan lang ay napag-usapan natin ang tungkol sa isang bagay na napakahalaga sa paksang ito: Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay. Noong huli napag-usapan natin ang tungkol sa ilang mga aspeto ng kapaligiran para sa kaligtasan na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan, gayundin ang paghahanda ng Diyos ng lahat ng uri ng panustos na kailangan ng mga tao sa kanilang mga buhay. Sa katunayan, ang ginagawa ng Diyos ay hindi lamang ang maghanda ng isang kapaligiran para sa kaligtasan ng mga tao at hindi lamang upang ihanda ang kanilang pang-araw-araw na panustos, ngunit upang mabuo ang iba’t-ibang mga aspeto ng napakaraming misteryoso at kinakailangang gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan at para sa buhay ng mga tao. Ang lahat ng ito ay mga pagkilos ng Diyos. Ang mga pagkilos na ito ng Diyos ay hindi lamang limitado para sa Kanyang paghahanda ng isang kapaligiran para sa kaligtasan ng mga tao at sa kanilang pang-araw-araw na panustos—mayroon silang mas malawak na saklaw kaysa riyan. Bukod sa dalawang uri ng gawaing ito, naghahanda rin Siya ng maraming mga kapaligiran at mga kundisyon para sa kaligtasan na mahalaga para sa mga buhay ng tao. Ito ay isa pang paksa na ating tatalakayin sa araw na ito, na may kinalaman din sa mga pagkilos ng Diyos. Kung hindi, ang pag-usapan ito ngayon dito ay magiging walang kabuluhan. Kung gusto ng mga tao na makilala ang Diyos ngunit kung mayroon lamang silang isang literal at dogmatikong pagkaunawa ukol sa “Diyos,” ukol sa salitang iyon, o ukol sa lahat ng mga aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, iyon ay hindi tunay na pagkaunawa. Kaya ano ang landas sa pagkilala sa Diyos? Ito ang pagkilala sa Kanya, pagkilala sa bawat aspeto Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagkilos. Kaya, kailangan magkaroon tayo sa susunod ng pagsasamahan tungkol sa mga pagkilos ng Diyos nang Kanyang nilikha ang lahat ng mga bagay.
Ago 15, 2017
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?
Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.
Ago 14, 2017
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay Na Masunurin Ay Tiyak Na Makakamit ng Diyos
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos- pananampalataya
|
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Ang Tunay Na Masunurin Ay Tiyak Na Makakamit ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat gawin. Lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, gagampanan ng Diyos ang bagong gawain nang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sumunod sa mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay nananahan hindi sa pamamagitan ng mga tuntunin, ni hindi rin Niya itinuturing ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi nagbabago. Sa halip, ang gawain na ginawa ng Diyos ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit pang praktikal sa bawat hakbang, higit pang ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaari niyang makamit ang pangwakas na pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay lumalagong mas mataas, kaya gayon din ang gawain ng Diyos na nagiging mas mataas. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na maabot ang pagka-perpekto at maging karapat-dapat para gamitin ng Diyos. Sa isang dako, ang Diyos ay kumikilos sa ganitong paraan upang kontrahin at baligtarin ang mga paniwala ng tao, habang isang banda, upang akayin ang tao sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, sa pinakamataas na antas ng paniniwala sa Diyos, upang sa bandang katapusan, ang kalooban ng Diyos ay matapos. Ang lahat yaong may isang suwail na kalikasan at may isang pusong mapanlaban ay pababayaan sa mabilis at makapangyarihang gawaing ito; tanging ang mga may masunuring puso lamang at gustong magpakumbaba ang susulong sa dulo ng daan. Sa ganoong gawain, ang lahat sa inyo ay dapat matutong pasailalim at isantabi ang iyong mga paniwala. Ang bawat hakbang ay dapat isagawa nang may pag-iingat. Kung kayo ay hindi maingat, tiyak na kayo ay magiging isa sa mga kinasusuklaman at tinatanggihan ng Banal na Espiritu at isang sumisira sa gawain ng Diyos. Bago sumailalim sa yugto ng gawaing ito, ang lumang mga tuntunin at mga kautusan ng tao ay hindi na mabilang at sila ay nadala, at bilang resulta, sila ay naging mayabang at nakalimutan ang kanilang mga lugar. Ang lahat ng ito ay mga balakid sa daan ng tao na tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos at mga salungat sa tao na lumalapit upang makilala ang Diyos. Mapanganib para sa tao na hindi magkaroon ng pagsunod sa kanyang puso o ng isang matinding pagnanasa para sa katotohanan. Kung susundin mo lamang ang gawain at angkaraniwang mga salita, at hindi kayang tanggapin ang alinman sa isang mas malalim na sidhi, kung gayon ikaw ay isa sa nananatili sa lumang mga pamamaraan at hindi magawang sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos ay naiiba sa lahat ng mga yugto ng panahon. Kung magpapakita ka ng mahusay na pagsunod sa isang bahagi, ngunit sa susunod na bahagi ay magpakita ng mas mababa o halos wala, kung gayon ay dapat kang talikdan ng Diyos. Kung patuloy kang sasabay sa Diyos habang Siya’y umaakyat sa hakbang na ito, kung gayon ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagsabay kapag Siya ay aakyat sa susunod. Tanging gayong mga tao ang masunurin sa Banal na Espiritu. Dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling tapat sa iyong pagsunod. Hindi maaaring basta ka lamang susunod kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong paraan ng pagsunod ay hindi inaayunan ng Diyos. Kung hindi mo kayang makasabay sa bagong gawain na Aking pinagsamahan at patuloy na hahawak sa dating kasabihan, gayon papaano magkakaroon ng paglago sa iyong buhay? Sa gawain ng Diyos, tutustusan ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Kapag sinunod at tinanggap mo ang Kanyang salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay siguradong kikilos sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos nang eksakto sa paraan ng Aking pagsasalita. Gawin mo ang aking sinabi, at ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ilalabas Ko ang isang bagong liwanag para makita ninyo at dadalhin kayo sa kasalukuyang liwanag. Kapag lumakad ka sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ang ilan ay maaaring ayaw sumunod at sasabihin, “Hindi ko gagawin ang tulad ng sinasabi mo.” Kung gayon ay sasabihin Ko sa iyo ngayon na ito na ang dulo ng daan. Ikaw ay natuyo na at wala ng buhay. Samakatuwid, sa pagkaranas ng pagbabago ng iyong disposisyon, napakahalaga na makasabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang kumikilos sa ilang mga tao na ginamit ng Diyos, ngunit mas higit pa sa iglesia. Siya ay maaaring kumikilos sa sinuman. Siya ay maaaring kumilos sa iyo ngayon, at pagkatapos mong maranasan ito, Siya ay maaaring sunod na kumilos sa iba. Sumunod ng maigi; mas sinusunod mo ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Sundin sila kung saan ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kahit anumang uri ng tao siya. Kunin ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at makatatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa nito ay makikita mo ang mas mabilis na pag-unlad. Ito ay ang landas ng pagiging perpekto para sa tao at paraan para lumago ang buhay. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay maaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa mga gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang gagamitin ng Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng kung anong tao, pangyayari, o bagay na dadalhin Niya sa iyo na pakinabangan at tutulungan kang makakuha ng ilang mga pananaw. Kung magagawa mong lumakad sa tamang daan na ito, ito ay nagpapakita na may dakilang pag-asa para sa iyo upang gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo ito magagawa, ito ay nagpapakita na ang iyong hinaharap ay kapanglawan at isang kadiliman. Kapag lumakad ka sa tamang daan, mabibigyan ka ng pagbubunyag sa lahat ng mga bagay. Hindi alintana kung ano ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka sa iyong karanasan sa batayan ng kanilang kaalaman, kung gayon ay magiging buhay mo ito, at magagawa mong tustusan ang iba dahil sa karanasang ito. Ang mga magtutustos sa iba sa pamamagitan ng ginayang mga salita ay mga walang karanasan; dapat matutunan mo ang paghahanap, sa pamamagitan ng pagliliwanag at paglilinaw sa iba, isang paraan ng pagsasagawa bago magsalita ng iyong sariling aktuwal na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging malaking pakinabang sa iyong sariling buhay. Dapat mong maranasan sa paraang ito, sumusunod sa lahat na nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang isip ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matuto ng mga leksiyon sa lahat ng mga bagay, na lumilikha ng paglago sa iyong buhay. Ang ganitong pagsasagawa ang magdudulot ng pinakamabilis na paglago.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)