菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 13, 2019

Tagalog Christian Music | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


Tagalog Christian Music | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana, 
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.

Abr 19, 2019

"Sino Siya na Nagbalik" - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1


Tagalog Christian Movies: "Sino Siya na Nagbalik" Clip 1 - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1


Narito tayo ngayon sa huling yugto ng mga huling araw at natupad na lahat ng hula hinggil sa pagbabalik ng Panginoon. Dahil sinasabi ng mga hula sa Biblia na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga huwad na Cristo, samakatuwid, maraming tao ang nagsara ng kanilang mga pinto at nagkulong. Kahit may marinig silang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon, hindi sila lumalabas at naghahanap o nagsisiyasat, at higit pa riyan, naniniwala sila na anumang paraang nagsasabing nagbalik na sa katawang-tao ang Panginoon ay hindi totoo at nanlilinlang. Paano tayo dapat maging katulad ng matatalinong dalaga, na nakarinig sa tinig ng Diyos at masayang sinalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Tutulungan ka ng maikling pelikulang ito na maintindihan ang aspeto ng katotohanan hinggil sa pagkakaiba sa pagitan ng totoong Cristo at ng mga huwad na Cristo, para masalubong mo ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

Abr 7, 2019

Maikling Dula | "Isang Maling Liko" | Who Should We Listen to as We Believe in God?


Maikling Dula | "Isang Maling Liko" | Who Should We Listen to as We Believe in God?


Nang marinig ni Zhao Xun ang mga salitang binigkas ng nagbalik na Panginoon, nadama niyang ang mga salitang ito'y pawang katotohanan. Gayunman, natakot siya na napakaliit niya at hindi niya kayang makakilala, kaya gusto niyang hanapin ang kanyang pastor bilang tagapag-ingat ng pintuan.

Ago 30, 2018

Ang Landas... (8)

Mga Aklat, Mga Pagbigkas ni Cristo, Biblia, Jesus, katotohanan, landas, panginoon,
Ang Landas... (8)


Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian. Marahil ito ay isang aspeto kung saan ang sangkatauhan ay nakikipagtulungan sa Diyos, ito ay di-nalalamang pakikipagtulungan ng sangkatauhan sa Diyos, kaya’t ang pagganap na ito na idinirekta ng Diyos ay makulay at parang buhay, napakalinaw.

Ago 22, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos"

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang masama ni Satanas, ngunit hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan."

Manood ng higit pa:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos YouTube

Ago 15, 2018

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (Ikalawang bahagi)

Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon.



14. Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol.

Hul 29, 2018

Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon



Nabasa na ng maraming nananalig sa Panginoon ang sumusunod na propesiya sa Biblia: "Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Naniniwala sila na pagbalik ng Panginoon, siguradong bababa Siya sakay ng ulap, pero may iba pang mga propesiya sa Biblia na nagsasabing: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Malinaw na may mga propesiya na darating ang Panginoon nang lihim bukod pa sa propesiya na hayagan Siyang bababa sakay ng ulap. Kaya ano ang katotohanan tungkol sa Kanyang pagbalik?

▬▬▬▬▬▬▬ ▬▬▬▬▬▬▬▬

Hul 22, 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | "Umaasa ang Diyos na Makilala at Maintindihan Siya ng Tao"




I
Mula sa unang ugnayan ng Diyos sa sangkatauhan, 
nagbubunyag na Siya sa kanila
ang kakanyahan, ano Siya't anong mayro'n Siya,
patuloy, walang tigil.
Kung ang tao sa mga kapanahunan ay makakita o makaintindi,
Diyos ay nangungusap at gumagawa
upang ipakita Kanyang disposisyon at kakanyahan.
Kailanma'y di kinubli, tinago,
nilabas nang walang reserbasyon,
diwa at disposisyon ng Diyos, Kanyang persona't pag-aari,
ay bunyag sa Kanyang gawa at ugnayan sa sangkatauhan.

May 6, 2018

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas

espiritu,  langit, Diyos, panginoon, Mga Pagsasalaysay




Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

Abr 7, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. ...Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay."

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 


Peb 19, 2018

Clip ng Pelikulang | "Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (2)"



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)



   Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta't sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos 


Peb 9, 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.”
Rekomendasyon

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Ano ang Ebanghelyo ?

Peb 8, 2018

Cristianong Pelikula “Babagsak ang Lungsod” |Pangalawang Pagdating ni Jesus

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Cristianong Pelikula “Babagsak ang Lungsod” | Pangalawang Pagdating ni Jesus

Si Cheng Huize ay isang kasamahan sa trabaho sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Maraming taon na siyang naniwala sa Panginoon, at nagsikap para sa Panginoon nang may walang-kamatayang kasigasigan. Marami siyang inaakong responsibilidad sa iglesia, at may habag siya sa kanyang mga kapatid. Habang mas lalong nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia sa bawat araw na dumadaan, mas dumadalas ang kasamaan sa kanyang iglesia. Masigasig na iminungkahi ng pastor na dapat magtayo ng pagawaan ang iglesia, at inakay ang mga tagasunod sa landas ng kasaganaan, at inakit din sila na sumali sa Tatlong-Sariling Iglesia para makahingi sila ng tulong mula sa Komunistang gobyerno ng Tsina. Nagdulot ito ng matinding debate. Ang pastor ay ipinilit ang kanyang sariling indibidwal na mga interes at hindi nag-alintanang hatiin ang iglesia, inaakay ang mga mananampalataya sa maling landas. Si Cheng Huize at ilang iba pa ay kumapit nang husto sa landas ng Panginoon, at matinding sumalungat sa iglesia na maging pagawaan at pagsali sa Tatlong-Sariling Iglesia. Kahit na ang mga elder sa iglesia ay nagpahayag na sinasalungat nila ito, ginawa lang nila iyon para protektahan ang kanilang sariling katayuan at kabuhayan. Kahit na may mga itinatagong sikreto sa kanilang mga puso ang pastor at mga elder, nakakulong sa patuloy na alitan para sa kanilang sariling kasikatan at pakinabang, nakikipag-away dahil sa inggit, nang nakita nila na karamihan sa mga mabubuting tupa at namumunong tupa sa iglesia ay siniyasat ang Kidlat ng Silanganan at napunta isa-isa sa Makapangyarihang Diyos, nakipagtulungan sila sa Komunistang gobyerno ng Tsina at nakipaglaban para supilin ang Kidlat ng Silanganan, hinahadlangan ang mga mananampalataya para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kinukumbinsi ang mga tagasunod na iulat sila sa pulis. Naging halimbawa sila sa pamamagitan ng pag-ulat at pag-aresto sa mga kapatid na nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian. Nakita ni Cheng Huize at ng iba na ang pastor at mga elder ay matagal na pahanon nang humiwalay sa landas ng Panginoon, at nawala na ng iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at sumama ito sa pagiging isang relihiyosong lugar na tulad ng Dakilang Babilonia, na isinumpa at kinastigo ng Panginoon. Dahil dito, nagpasya sila na siyasatin ang Kidlat ng Silanganan para hanapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Matapos ang matitinding debate kasama ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, si Cheng Huize at ang iba ay sa wakas nagsimulang makita nang malinaw na ang mga lider ng relihiyosong mundo ay sumasalungat sa Diyos sa diwa, at ang dahilan kung bakit bumagsak ang relihiyosong mundo, palapit nang palapit sa araw-araw na pagkawasak nito: Ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, kahit na kaya nilang ipaliwanag ang Biblia at kumapit sa Biblia nang may mataas na pagtanaw, ginagawa lang nila iyon para sa katayuan at kabuhayan. Nililito at binibitag nila ang mga tao. Hindi nila itinuturing ang Diyos nang may mataas na paggalang o sumasaksi para sa Kanya, hindi talaga nila naiintindihan ang Diyos. Sa mga huling araw, kapag ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita at ginawa ang Kanyang gawain, sinasalungat nila Siya nang walang kaunting pag-aalinlangan, binabatikos nila ang gawain ng Diyos, kahit sa punto kung saan nakikipagsanib sila sa Komunistang gobyerno ng Tsina para arestuhin ang mga mananampalataya. Sapat na ito para patunayan na taglay nila ang mala-satanas na kalikasan na kinapopootan ang katotohanan at kinapopootan ang Diyos. Mga modernong Fariseo sila, ginagaya ang mga malilinis na tao, mga anticristo na itinatanggi na nagkatawang-tao ang Diyos. Talagang lubusan nang naging balwarte ang relihiyosong mundo para sa mga anticristo na siyang mga kalaban ng Diyos. Tiyak na matatagpuan nila ang mga sumpa at kaparusahan ng Diyos. Sa huli, si Cheng Huize at ang iba ay nakita ang kaibahan ng diwang anticristo ng mga lider ng relihiyosong mundo, at ginabayan ang mga mananampalataya na humiwalay mula sa pagkakalito at kontrol ng mga Fariseo, para tumakas nang walang pag-aalinlangan mula sa Babilonia, ang babagsak na lungsod … 

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (1)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.”
Rekomendasyon

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Ano ang Ebanghelyo ?

Peb 4, 2018

Does God’s Word Exist Apart From the Bible?

Does God’s Word Exist Apart From the Bible?

Some religious people believe that all of God’s words and work are in the Bible, and that there are no words and work of God besides those in the Bible. Does this kind of view accord with the truth? The Bible says, “And there are also many other things which Jesus did, the which, if they should be written every one, I suppose that even the world itself could not contain the books that should be written” (John 21: 25). Almighty God says, “What God is and has is forever inexhaustible and limitless. … Do not delimit God in books, words, or His past utterances again. There is only one word for the characteristic of God’s work—new. He does not like to take old paths or repeat His work, and moreover He does not want people to worship Him by delimiting Him within a certain scope. This is God’s disposition” (The Word Appears in the Flesh).
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon

Ano ang Ebanghelyo ?

Peb 3, 2018

Tagalog Kristiyanong Pelikula | "Ang Misteryo ng Kabanalan"

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Kristiyanong Pelikula | “Ang Misteryo ng Kabanalan”

Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?
Rekomendasyon

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Ano ang Ebanghelyo ?

Is Faith in the Bible Equivalent to Faith in the Lord?

Is Faith in the Bible Equivalent to Faith in the Lord?

Most pastors and elders of the religious world believe that the Bible represents the Lord, and that believing in the Lord is believing in the Bible, and believing in the Bible is believing in the Lord. They believe that if one departs from the Bible then he cannot be called a believer, and that one can be saved and can enter the kingdom of heaven so long as he clings to the Bible. Can the Bible really represent the Lord? What exactly is the relationship between the Bible and the Lord? The Lord Jesus said, “Search the scriptures; for in them you think you have eternal life: and they are they which testify of me. And you will not come to me, that you might have life” (John 5:39-40). Almighty God says, “After all, which is greater: God or the Bible? Why must God’s work be according to the Bible? Could it be that God has no right to exceed the Bible? Can God not depart from the Bible and do other work? Why did Jesus and His disciples not keep the Sabbath? … You should know which came first, God or the Bible! Being the Lord of the Sabbath, could He not also be the Lord of the Bible?” (The Word Appears in the Flesh).

Ene 30, 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (3) - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (3) – Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan

Sa mundong ito ng ng masasamang loob kung saan pera ang hari, anong mga pagpapasiya ang ginagawa ng tunay na dalisay at mabuting si Xiaozhen, para sa buhay at kaligtasan …
Rekomendasyon

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ano ang Ebanghelyo ?

Ene 28, 2018

Is Obedience to Pastors and Elders the Same as Obedience to God?

 Is Obedience to Pastors and Elders the Same as Obedience to God?

Some believers believe that the pastors and elders of the religious world have all been chosen and appointed by the Lord, and that they are all people who serve the Lord. So they believe that only obeying the pastors and elders is obeying the Lord, and that defying or condemning the pastors and elders is defying the Lord. They even believe that, in churches, only the pastors and elders understand the Bible and can explain the Bible, and so long as that which is preached or done by the pastors and elders accords with the Bible and is based on the Bible, then people should obey and follow them. So does this kind of obedience to pastors and elders accord with the truth? Does an understanding of Bible knowledge represent an understanding of the truth and knowledge of God? Exactly what approach should we take to the pastors and elders that conforms to God’s will?
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon

Ano ang Ebanghelyo ?

Ene 27, 2018

Kristianong video | Basagin Ang Sumpa


Latest Christian Full Movie HD 2018 | "Basagin Ang Sumpa" | God is My Salvation (Tagalog Dubbed)


Si Fu Jinhua  ay isang elder sa isang bahay-iglesia sa China. Ilang taon na siyang nananalig sa Panginoon at palaging iniisip na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, na kailangan lang niyang manalig sa Panginoon at kumapit sa Biblia, at kapag bumaba ang Panginoon sa isang ulap ay madadala siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nagsimulang magduda ang kanyang mga kapanalig. Lumitaw na ang apat na buwan na naging dugo, at ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natupad. Ang kahulugan nito ay nagbalik na ang Panginoon, kaya bakit hindi natin Siya nasalubong nang bumaba Siya sa isang ulap? … Matapos mag-isip-isip nang kaunti, ipinasiya ni Fu Jinhua na hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng paliwanag at mga pakikipagdebate sa mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas ay malinaw na nakita ni Fu Jinhua ang landas para makapasok sa kaharian ng langit at nakalaya siya sa "nakagayuma" sa kanya nang maraming taon. Tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nadala sa harap ng luklukan ng Diyos, at dumalo sa piging sa kasal ng Kordero.