菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 21, 2017

Sino ang Aking Panginoon - Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Panginoon ng Biblia





Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon – Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Panginoon ng Biblia


Ang Biblia ay puno ng salita ng Diyos pati na rin ng karanasan at patotoo mula sa tao na makakapagtustos sa atin ng buhay at labis na kapaki-pakinabang para sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man.” (Juan 11:25-26). Ngunit bakit, pagkalipas ng 2,000 taon, wala sa yaong may pananalig sa Panginoon na nakabasa ng Biblia ang kailanman nakatamo ng buhay na walang hanggan? Maaari bang wala sa Biblia ang daan patungo sa buhay na walang hanggan? Maaari bang hindi ipinagkaloob ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang daan patungo sa buhay na walang hanggan noong ginampanan Niya ang Kanyang gawaing pagtubos? Ano ang dapat nating gawin upang matamo ang daan ng buhay na walang hanggan?

Dis 4, 2017

Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Kaharian, Diyos, Pananampalataya, simbahan, Patotoo

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

     1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.

Nob 24, 2017

Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

I
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya’y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya’y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.

Okt 8, 2017

Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan,  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian


1. Ang tao ay hindi dapat palakihin ang kanyang sarili, ni ipagmalaki ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos.2. Dapat ninyong gawin ang anumang bagay na kapaki-pakinabang sa gawain ng Diyos, at walang nakasasama sa mga benepisyo ng gawain ng Diyos. Dapat ninyong ipagtanggol ang pangalan ng Diyos, patotoo ng Diyos, at gawain ng Diyos.

Ago 19, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalimang Pagbigkas

 patotoo, katotohanan, Espiritu, Diyos, Kaharian


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikalimang Pagbigkas

Kapag ang Aking Espiritu ay nagsasalita, ipinapahayag nito ang Aking buong disposisyon. Malinaw na ba sa inyo ito? Ang pagiging malabo sa puntong ito ay katumbas ng pagtutol sa Akin nang deretsahan. Tunay ba ninyong nakikita ang kahalagahang ito? Alam ba talaga ninyo kung gaano kalaking pagsisikap, kung gaano kasigasig, ang Aking iginugol sa inyo? Talaga bang nangangahas kayong ilantad ang ginawa ninyo sa harap Ko? At mayroon pa kayong lakas ng loob na tawagin ang inyong mga sarili na mga tao Ko sa harap ng Aking mukha—wala kayong nadaramang kahihiyan, lalong walang dahilan! Sa malao’t madali, ang mga taong ganito ay paaalisin mula sa Aking tahanan. Huwag kang lumapit bilang matandang sundalo sa Akin, iniisip na tumayo ka para sa Aking patotoo! Isa ba itong bagay na kayang gawin ng sangkatauhan? Kung walang natitira sa iyong mga intensyon at mga layunin, sana’y matagal ka nang nagtungo sa ibang landas. Iniisip mo ba na hindi Ko alam kung gaano karami ang kayang hawakan ng puso ng tao? Simula sa oras na ito, sa lahat ng mga bagay ay kailangan mong pumasok sa katotohanan ng pagsasagawa; ang bastang pagdadaldal, katulad ng iyong nakasanayang gawin, ay hindi na uubra. Sa nakaraan, karamihan sa inyo ay nakinabang sa ilalim ng Aking bubong; ang katotohanang nakakaya ninyong tumayo nang matatag ngayon ay dahil sa bigat ng Aking mga salita. Sa palagay mo ba ang Aking mga salita ay basta na lamang sinabi nang walang kadahilanan? Imposible! Nakatingin Ako sa lahat ng mga bagay na nasa ibaba mula sa itaas, at pinapatupad ang dominyon sa lahat ng mga bagay mula sa itaas. Sa parehong paraan, ipinadala ko ang Aking kaligtasan sa lahat ng dako ng mundo. Walang sandaling hindi ako nakamasid, mula sa Aking sikretong lugar, bawat galaw ng sangkatauhan, bawat salita nila at bawat bagay na ginagawa nila. Ang sangkatauhan para sa Akin ay isang nakabukas na aklat: Nakikita ko at kilala ko ang bawat isa. Ang sikretong lugar ay ang Aking tahanan, ang pinakamataas sa langit ang kama na Aking kinahihigaan. Ang mga puwersa ni Satanas ay hindi makakaabot sa Akin, dahil Ako ay umaapaw sa kamahalan, pagkamatuwid, at paghatol. Ang hindi maisaysay na hiwaga ay naninirahan sa Aking mga salita. Kapag Ako ay nagsasalita, kayo ay nagiging parang mga ibon na inihagis sa tubig, napuspos ng pagkalito, o mga batang nagkaroon pa lamang ng sindak, tila walang muwang, dahil ang inyong espiritu ay nahulog sa pagkatuliro. Bakit Ko sinasabi na ang sikretong lugar ay ang Aking tahanan? Alam mo ba ang mas malalim na kahulugan ng Aking sinasabi? Sino sa lahat ng sangkatauhan ang mayroong kakayahang kilalanin Ako? Sino sa inyo ang mayroong kakayahang kilalanin Ako katulad ng pagkakilala mo sa sarili mong ama at ina? Habang nagpapahinga sa Aking tahanan, nagmamasid Akong mabuti: Lahat ng mga tao sa mundo ay nagmamadali, “bumibiyahe sa buong mundo” at nagsisihangos paroon at parito, lahat para sa ikabubuti ng kanilang tadhana, ng kanilang hinaharap. Ngunit ni isa ay walang enerhiya upang ilaan para sa pagtatayo ng Aking kaharian, ni kahit katiting katulad ng lakas na ginagamit sa paghinga. Nilikha Ko ang sangkatauhan, at iniligtas Ko sila nang maraming beses sa pagdurusa, ngunit ang lahat ng mga taong ito ay mga walang utang na loob: Walang ni isa sa kanila ang magawang bilangin ang lahat ng mga pagkakataon ng Aking kaligtasan. Ilang mga taon, ilang mga siglo ang nakalipas simula nang nilikha ang mundo hanggang sa kasalukuyang panahon, at ilang mga himala ang Aking nagawa, at ilang beses ipinakita ang Aking karunungan? Pero ang tao, katulad ng isang baliw na may demensya at pamamanhid o, mas malala pa, paminsan-minsan ay parang mabangis na hayop na nag-aalsa sa kagubatan, ay walang ni katiting na balak intindihin ang Aking mga kapakanan. Maraming beses Ko nang binigyan ang tao ng senstensya ng kamatayan at hinatulang mamatay, subalit ang plano ng Aking pamamahala ay hindi mababago ng kahit na sinuman. Kung kaya ang tao ay, nasa mga kamay Ko pa rin, nagmamagilas sa lumang mga bagay na kanyang kinakapitan. Dahil sa mga hakbang ng Aking gawain, Ako ay, minsan pa, nagligtas sa inyo, kayong mga nilalang na ipinanganak sa malaking pamilya ng tiwali, sira, marumi, at sakim.
Ang gawaing Aking binalak ay parating sumusulong nang walang tigil kahit isang saglit. Sa paglipat sa Kapanahunan ng Kaharian, at sa pagdadala sa inyo sa Aking kaharian bilang Aking mga tao, magkakaroon Ako ng ibang mga hihingin sa inyo; ang ibig sabihin, sisimulan Ko nang ihayag sa inyong harap ang konstitusyon ng Aking pamumuno sa panahong ito: