I
Isang kidlat ang nagliliwanag mula sa Silangan,
ginigising ang mga natutulog sa kadiliman.
Naririnig namin ang mga salitang binigkas
ng Banal na Espiritu sa mga iglesya,
iyon nga ang tinig ng Anak ng Tao.
Nakikita ng lahat ng taong nananahan sa kadiliman
ang tunay na liwanag, napupukaw sa kagalakan,
nagsasaya at nagpupuri sa pagbabalik ng Manunubos.
Naririnig ng mga hinirang ng Diyos ang tinig ng Diyos,
tinatamasa ang mga salita ng Diyos
at dumadalo sa piging ng Kordero.
Ang Cristo ng mga huling araw,
ang kaligtasan ng sangkatauhan,
ang Iyong pagdating ang nagdadala ng liwanag
sa sangkatauhan.