Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII
(I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa
Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos
Kapag natapos na ninyo ang mga panalangin, nakadarama ba ng kapanatagan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos? (Oo.) Kung ang puso ng isang tao ay maaaring maging panatag, maaari na nilang marinig at maintindihan ang salita ng Diyos at maaari na nilang marinig at maintindihan ang katotohanan. Kung ang iyong puso ay hindi mapanatag, kung ang puso mo ay laging naguguluhan, o laging nag-iisip ng ibang mga bagay, makaaapekto ito sa iyong pagsama upang makinig sa salita ng Diyos. Kaya, ano ang ipinahihiwatig ng tinatalakay natin sa oras na ito? Bumalik lang tayo ng konti sa pangunahing punto. Tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo, ang natatangi, ano ang unang bahagi na ating tinalakay? (Awtoridad ng Diyos.) Ano ang ikalawa? (Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) At ang ikatlo? (Ang kabanalan ng Diyos.) Gaano ba kadalas nating talakayin ang awtoridad ng Diyos? Nagkaroon ba ito ng epekto? (Dalawang beses.) Paano naman ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Isang beses.) Ang ilang beses nating pagtalakay sa kabanalan ng Diyos ay nakapag-iwan marahil ng impresyon sa inyo, ngunit nagkaroon ba ng epekto ang partikular na paksa na tinalakay natin sa bawat pagkakataon? Sa unang bahagi ng “Ang awtoridad ng Diyos,” ano ang naiwang malalim na impresyon sa inyo, anong bahagi ang nagkaroon ng matinding epekto sa inyo? (Ang awtoridad ng salita ng Diyos at ang Diyos bilang Namumuno sa lahat ng mga bagay.) Pag-usapan ang pinakamahalagang puntos. (Una, ipinabatid ng Diyos ang awtoridad at ang kapangyarihan ng salita ng Diyos; kasimbuti ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang salita ay magkakatotoo. Ito ang pinakadiwa ng Diyos.) (Ang awtoridad ng Diyos ay nakasalalay sa Kanyang paglikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng nakapaloob rito. Walang sinuman ang makapagpapabago sa awtoridad ng Diyos. Ang Diyos ang namumuno sa lahat ng mga bagay at pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay.) (Ginagamit ng Diyos ang bahaghari at ang mga tipan sa tao.) Ito ang partikular na paksa. Mayroon pa bang iba? (Iniutos ng Diyos kay Satanas na maaari nitong tuksuhin si Job, subalit hindi maaaring kunin ang kanyang buhay. Mula rito makikita natin ang awtoridad ng salita ng Diyos.) Ito ang pagkaunawa na inyong natamo matapos mapakinggan ang pakikipagniig, tama? Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Pangunahin nating tinatanggap na kinakatawan ng awtoridad ng Diyos ang natatanging katayuan at kalagayan ng Diyos, at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang katauhan ang maaaring magtaglay ng Kanyang awtoridad.) (Nagsasalita ang Diyos upang gumawa ng tipan sa tao at nagsasalita Siya upang ihayag ang Kanyang mga pagpapala sa tao, lahat ng mga ito ay mga halimbawa ng awtoridad ng salita ng Diyos.) (Nakikita natin ang awtoridad ng Diyos sa pagkalikha ng kalangitan at ng lupa at ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita, at mula sa Diyos na nagkatawang-tao nakikita natin na ang Kanyang salita ay tinataglay rin ang awtoridad ng Diyos, ang mga ito ay parehong simbolo ng pagiging katangi-tangi ng Diyos. Makikita natin ito nang utusan ni Jesus si Lazaro na maglakad palabas ng kanyang puntod: Ang buhay at kamatayan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, kung saan si Satanas ay walang kapangyarihan na pumigil; maging ang gawain ng Diyos ay isinagawa man sa laman o sa Espiritu, ang Kanyang awtoridad ay natatangi.) May iba pa ba kayong idaragdag? (Makikita natin na ang anim na mga sugpungan ng
buhay ay idinidikta ng Diyos.) Magaling! Ano pa? (Ang mga pagpapala ng Diyos sa tao ay kumakatawan din sa Kanyang awtoridad.) Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, ano ang inyong pagkaunawa sa salitang “awtoridad”? Sa loob ng saklaw ng awtoridad ng Diyos, sa ginagawa ng Diyos at inihahayag, ano ang nakikita ng mga tao? (Nakikita namin ang pagiging makapangyarihan at
karunungan ng Diyos.) (Nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay laging naroroon at na ito ay tunay, tunay na umiiral.) (Nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa malawak na proporsyon sa Kanyang dominyon sa daigdig, at nakikita namin sa maliit na sukat habang pinamamahalaan Niya ang buhay ng tao. Mula sa anim na mga sugpungan ng buhay nakikita namin na talagang pinaplano ng Diyos at pinamamahalaan ang bawat aspeto ng aming mga buhay.) (Tangi sa roon, nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay kumakatawan sa Diyos Mismo, ang natatangi, at walang sinuman sa mga nilikha at hindi nilikhang mga katauhan ang maaaring magtaglay nito. Ang awtoridad ng Diyos ay sumisimbolo sa Kanyang katayuan.) “Mga simbolo ng katayuan ng Diyos at kalagayan ng Diyos,” tila mayroon kayong doktrinal na kaalaman sa mga salitang ito. Ano ang katanungan na katatanong ko lang sa inyo, maaari ba ninyo itong ulitin? (Sa ginagwa ng Diyos at inihahayag, ano ang ating nakikita?) Ano ang inyong nakikita? Maaari kaya na ang nakikita lang ninyo ay ang awtoridad ng Diyos? Naramdaman din ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? (Nakikita namin ang realidad ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, ang pagiging tapat ng Diyos.) (Nakikita namin ang karunungan ng Diyos.) Ang pagiging tapat ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, at ang sinasabi ng ilan na karunungan ng Diyos. Ano pa ang narooon? (Ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos.) (Pagkakita sa pagkamatuwid at kabutihan ng Diyos.) Hindi pa rin ninyo gaanong nakukuha, kaya mag-isip pa nang konti. (Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay inihahayag at nasasalamin sa Kanyang pagkontrol, pangunguna, at pamamahala sa sangkatauhan. Ito ay tunay na tunay at totoo. Palagi Niyang ginagawa ang Kanyang gawain at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang mga katauhan ang maaaring magtaglay ng awtoridad at kapangyarihang ito.) Tumitingin ba kayong lahat sa inyong mga itinala? Mayroon ba talaga kayong anumang kaalaman sa awtoridad ng Diyos? Naiintindihan ba talaga ninuman sa inyo ang Kanyang awtoridad? (Binabantayan kami ng Diyos at pinangangalagaan kami mula noong kami ay mga bata pa, at nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa gayon. Lagi naming hindi naiintindihan ang mga sitwasyon na nangyayari sa amin, ngunit palagi kaming pinangangalagaan ng Diyos nang lihim; ito rin ay awtoridad ng Diyos.) Magaling, mahusay ang pagkakasabi!
Kapag pinag-uusapan natin ang “awtoridad ng Diyos,” nasaan ang pokus, ang pangunahing punto? Bakit kailangan pa nating pag-usapan ang paksang ito? Una, upang maiintindihan ng mga tao, upang makita, at upang madama ang awtoridad ng Diyos. Ang iyong nakikita at ang iyong nadarama ay mula sa mga pagkilos ng Diyos, mga salita ng Diyos, at ang pamamahala ng Diyos sa daigdig. Kaya, ang lahat ng nakikita ng tao sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, lahat ng kanilang matututuhan sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, o anumang tanggapin nila sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, anong tunay na kaalaman ang matatamo mula rito? Una, ang layunin sa pagtalakay ng paksang ito ay upang maitatag ng tao ang kalagayan ng Diyos bilang Manlilikha at ang Kanyang katayuan sa gitna ng lahat ng mga bagay. Ikalawa, kapag nakita ng mga tao ang lahat ng mga nagawa ng Diyos at sinabi at pinamahalaan sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos upang pamahalaan ang lahat ng bagay at kung gaano Siya katalino habang isinasagawa Niya ito. Hindi ba ito ang pokus at ang pangunahing punto ng natatanging awtoridad ng Diyos na tinalakay natin noong una? Di pa gaanong nagtatagal gayunman nakalimutan na ito ng ilan, na nagpapatunay na hindi pa ninyo lubos na nauunawaan ang awtoridad ng Diyos; maaari pang masabi ng isang tao na hindi pa ninyo nakita ang awtoridad ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ito ngayon nang bahagya? Kapag nakita mo ang awtoridad ng Diyos sa pagkilos, ano ang tunay mong mararamdaman? Tunay mo bang naramdaman ang kapangyarihan ng Diyos? (Naramdaman namin.) Kapag binasa mo ang mga salita ng Diyos tungkol sa Kanyang paglikha sa daigdig madarama mo ang Kanyang kapangyarihan, nadarama mo ang Kanyang pagiging makapangyarihan. Kapag nakita mo ang dominyon ng Diyos sa kapalaran ng mga tao, ano ang iyong madarama? Nadarama mo ba ang Kanyang kapangyarihan at Kanyang karunungan? (Nadarama namin.) Kung hindi tinaglay ng Diyos ang kapangyarihang ito, kung Hindi Niya tinaglay ang karunungang ito, magiging karapat-dapat ba Siyang magkaroon ng dominyon sa daigdig at magkaroon ng dominyon sa kapalaran ng mga tao? (Hindi Siya magkakaroon.) Kung ang sinuman ay walang kakayahan na gawin ang kanyang trabaho, hindi nagtataglay ng kinakailangang mga lakas at kapos sa angkop na mga kasanayan at kaalaman, magiging karapat-dapat ba sila sa kanilang trabaho? Tiyak na sila ay hindi magiging karapat-dapat; ang posibilidad na makagawa ang isang tao ng dakilang mga bagay ay batay sa kung gaano kadakila ang kanilang mga kakayahan. Tinataglay ng Diyos ang gayong kapangyarihan gayundin ang karunungan, at kaya taglay Niya ang awtoridad; ito ay natatangi. Nakakilala ka na ba kailanman ng isang nilikha o isang tao sa daigdig na nagtataglay ng kaparehong kapangyarihan na mayroon ang Diyos? Mayroon bang sinuman o anuman na may kapangyarihang malikha ang kalangitan at ang lupa at lahat ng mga bagay gayundin ang pigilan at magkaroon ng dominyon sa kanila? Mayroon bang sinuman o anuman na maaaring mamuno at pangunahan ang buong sangkatauhan at maging parehong laging-naroroon at nasa lahat ng dako? (Wala, walang ganon.) Naiintindihan na ba ninyo ngayon ang tunay na kahulugan ng lahat ng kailangan sa natatanging awtoridad ng Diyos? Mayroon ba kayong ilang pagkaunawa? (Oo mayroon.) Narepaso na natin ngayon ang mga puntos na tumatakip sa natatanging awtoridad ng Diyos.