菜單

Ago 8, 2020

"Pagpapanumbalik ng Wastong Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan" | Sipi 3


Ang Diyos ay walang masamang hangarin tungo sa mga nilikha at nagnanais lamang na matalo si Satanas. Lahat ng Kanyang gawain—maging ito man ay pagkastigo o paghatol—ay nakadirekta kay Satanas; ito ay ipatutupad para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, ang lahat ay upang matalo si Satanas, at ito ay mayroong isang layunin: ang makidigma kay Satanas hanggang sa katapusan! At ang Diyos ay hindi magpapahinga hangga’t hindi Siya nagwawagi kay Satanas! Siya ay magpapahinga lamang sa oras na matalo na Niya si Satanas.

Ago 7, 2020

Ito ang Tunay na Mabuting Tao


Moran Linyi City, Shandong Province

Mula noong bata pa ako, palagi ko nang binibigyan ng importansya ang tingin ng ibang tao sa akin at ang kanilang opinyon tungkol sa akin. Upang makakuha ako ng papuri mula sa ibang mga tao para sa lahat ng ginagawa ko, hindi ako kailanman nakipagtalo sa sinuman tuwing may lumilitaw na anumang bagay, upang maiwasang sirain ang mabuting imahe ng mga tao tungkol sa akin. Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpatuloy ako nang ganito, itinataguyod sa bawat posibleng paraan ang mabuting imahe ng aking mga kapatid tungkol sa akin. Dati, kapag may hinahawakan akong gawain, madalas na sinasabi ng aking lider na ang aking pagganap ay parang sa isang “palatangong-tao,” at hindi ang pagganap ng isang tao na nagsasagawa sa katotohanan.

Ago 6, 2020

Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos


Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito?

Ago 5, 2020

Ang Diyos na Nagkatawang-Tao ang Pinakamahalaga sa Inyo


Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.
Lahat sayo'y Kanyang ibibigay;
lahat mo ay nasa Kanyang palad.
Gaya ba Siya ng inyong pinaniniwalaan—
lubhang payak upang mabanggit?
Di kayo makumbinsi ng katotohanan Niya?
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.

Ago 4, 2020

Dapat malaman ng isang tao na tanging ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ang Kanyang kumpletong gawain para sa pagliligtas ng sangkatauhan


(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto. Hindi kabilang sa tatlong yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng paggawa sa buong sangkatauhan.

Ago 3, 2020

Mga Salita tungkol sa Kapanahunan ng Kaharian—ang Huling Kapanahunan


 Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos.

Ago 2, 2020

"Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" | Sipi 28


Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao.

Hul 31, 2020

Si Cristo ng mga Huling Araw, ang Kaligtasan ng Sangkatauhan



I
Isang kidlat ang nagliliwanag mula sa Silangan,
ginigising ang mga natutulog sa kadiliman.
Naririnig namin ang mga salitang binigkas
ng Banal na Espiritu sa mga iglesya,
iyon nga ang tinig ng Anak ng Tao.
Nakikita ng lahat ng taong nananahan sa kadiliman
ang tunay na liwanag, napupukaw sa kagalakan,
nagsasaya at nagpupuri sa pagbabalik ng Manunubos.
Naririnig ng mga hinirang ng Diyos ang tinig ng Diyos,
tinatamasa ang mga salita ng Diyos
at dumadalo sa piging ng Kordero.
Ang Cristo ng mga huling araw,
ang kaligtasan ng sangkatauhan,
ang Iyong pagdating ang nagdadala ng liwanag
sa sangkatauhan.

Hul 30, 2020

App ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Pambungad


Nailabas na ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang una nitong mobile app sa pagsisikap na tulungan ang mga tao mula sa lahat ng katayuan sa buhay na nananabik sa pagpapakita ng Diyos na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Naglalaman ito ng iba’t ibang libreng aklat, artikulo, musika, at video tungkol sa ebanghelyo. Inaanyayahan namin ang mga tao mula sa lahat ng katayuan sa buhay na i-install ang app na ito para siyasatin ang tunay na daan.

Hul 29, 2020

Bakit Sinasabi na ang Pagkaalam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Daan Tungo sa Pagkilala sa Diyos?


(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto. Hindi kabilang sa tatlong yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian.

Hul 26, 2020

"Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan" (Sipi 2)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay.

Hul 25, 2020

Paano Ako Muntik nang Maging Hangal na Dalaga


Ni Li Fang, China

Noong taglagas ng 2002, si Sister Zhao na mula sa aking denominasyon, ang Iglesia ng Katotohanan, ay isinama sa aking tahanan ang kanyang pamangking si Sister Wang, para sabihin sa akin ang magandang balita tungkol sa pagparito ng Panginoon. Matapos ang ilang araw na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa detalyadong pagbabahagi ni Sister Wang, naunawaan ko na, mula sa paglikha ng daigdig hanggang sa ngayon, ang Diyos ay nagampanan na ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan.

Hul 24, 2020

Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao


Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos.

Hul 23, 2020

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos - Kabanata 12



Kapag kumikidlat mula sa Silangan—na siya ring talagang sandali na nagsisimula Akong magsalita—sa sandaling kumikidlat, ang buong kalangitan ay pinaliliwanag, at ang lahat ng bituin ay nagsisimulang mag-ibang-anyo. Tila ba ang buong sangkatauhan ay sumasailalim sa wastong paglilinis at pagbubukud-bukod. Sa ilalim ng liwanag nitong hawakan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay ibinubunyag sa kanilang orihinal na anyo, ang mga mata ay nasisilaw, napapatigil sa kalituhan; lalo pang hindi nila naitatago ang kanilang pangit na mga itsura.

Hul 22, 2020

Bakit Ginagawa ng Diyos ang gawain ng Pagliligtas sa Sangkatauhan?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa simula, ang Diyos ay nagpahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagawa ang Diyos kahit ano pa mang gawain. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang tiwali. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa katiwalian ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan.

Hul 21, 2020

Ang Diyos ang Pinuno ng 6,000-Taon ng Plano ng Pamamahala


Gawain ng Diyos ginagawa N'ya Mismo.
Siya ang  nagsisimula't nagtatapos ng gawain.
S'ya'ng nagpaplano ng gawain.
S'ya'ng namamahala't nagdadala ng gawain sa katuparan.
Saad sa Biblia, "Diyos ang Pasimula at ang Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin."
"Diyos, ang Pasimula't Katapusan;
Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin, ang Tagaani rin."
Lahat na ugnay sa gawang pamamahala ay gawa ng kamay N'ya,
gawa Niya.

Hul 20, 2020

"Ang Tiwaling Sangkatauhan ang Mas Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao" | Sipi 15


Sa buong gawaing pamamahala, ang pinaka-mahalagang gawain ay ang kaligtasan ng tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinaka-susing gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng kautusan ay malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; ito lamang ay nagkaroon ng bahagyang pagpapakita ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas.

Hul 19, 2020

Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?


Ni Meng’ai, Malaysia

Nang taon na namatay ang aking asawa, matindi ang aking kalungkutan, at higit pa riyan nagkaroon ako ng dagdag na pasanin na pagpapalaki sa aking mga anak. Ang kahirapan ay biglang sumapit sa buhay ko, nguni’t nasa akin na noon pa ang pagmamahal ng Panginoon at, sa tulong ng aking mga kapatid, nalampasan ko ang mahirap na panahong ito. Upang suklian ang pagmamahal ng Panginoon, nagpatuloy ako sa pagdodonasyon at paglilingkod sa iglesia, at nagagawa ko na ang gayon sa loob ng mahigit sa tatlumpung taon. Sa panahong ito, nararanasan ko ang pag-unlad ng iglesia at nakita ang maluwalhating kaganapan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus.

Hul 17, 2020

Magbibigay ba ang Panginoon ng Pagbubunyag sa Tao sa Pagbabalik Niya?


Maraming mga pastor at mga elder ng relihiyon, dahil maraming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, ang palaging masipag na gumagawa para sa Panginoon at nananatiling mapagmasid, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, naniniwala sila na sa pagdating ng Panginoon tiyak na magbibigay Siya sa kanila ng pagbubunyag. Ang pananaw bang ito ay umaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Tiyak bang magbibigay ng pagbubunyag ang Diyos sa tao kapag Siya ay nagkatawang-tao?

Hul 15, 2020

"Napakagandang Tinig" The Word of the Holy Spirit to the Churches


Ang Panginoong Jesus ay bumalik, at Siya ang nagkatawang-taong Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Ang lahat ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay mga salita mula sa Banal na Espiritu tungo sa mga iglesia, na lubos na natutupad ang propesiyang ito sa Aklat ng Pahayag sa Bibliya: "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).