菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Papuri. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Papuri. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 18, 2020

Makapangyarihang Diyos ay Lumitaw sa Silangan ng Mundo




I
Tagapagligtas ay bumalik na sa puting ulap at dumating sa atin,
para gawin ang Kanyang paghatol simula sa pamilya ng Diyos.
Sa paghahayag ng katotohanan,
nilulupig Niya ang mga puso ng milyones,
at Kanyang ibinubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon.
Puno ng galit at kamahalan,
na may dakilang awtoridad, at gayong dakilang kapangyarihan,
ang matuwid na Makapangyarihang Diyos ay lumilitaw sa Silangan ng mundo.

Hun 14, 2020

Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian


Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya,
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian,
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos

Hul 25, 2019

2019 Christian Music Video | "Song of Sweet Love"



2019 Christian Music Video "Song of Sweet Love" | Praise and Thank God for His Love

In my heart, Your love’s hidden away. It leads me closer to You in the sweetest way. Working in service of Your heart has made mine better yet. I serve You with heart and mind, nothing else I want to get. Your words guide my heart, and I follow Your steps. I will bring Your will to life, satisfying You feels best. You have taken me to a better place, a realm with only You and I. No worries can get by. Your words cleanse my corruption, they have filled my heart. I love You, oh, I love You, Your words are my life’s greatest part. What fortune to be saved by You. I’ll forever love You and sing Your praise. Hallelu-Hallelujah! Hallelu-Hallelujah! Hallelu-Hallelujah! Praise be to God. Our love makes us inseparable and happy. I understand Your will and obey it absolutely. I’ll never rebel, or part from You, I’ll live before You more. I contemplate on Your words, I treasure what You are, dear God. Your words cleanse my corruption, they have filled my heart. I love You, oh, I love You, Your words are my life’s greatest part. What fortune to be saved by You. I’ll forever love You and sing Your praise. Hallelu-Hallelujah! Hallelu-Hallelujah! Hallelu-Hallelujah! Praise be to God. Hallelu-Hallelujah! Hallelu-Hallelujah! Hallelu-Hallelujah! Praise be to God. from Follow the Lamb and Sing New Songs

Hul 23, 2019

Tagalog Christian Songs | Paano Maging Marapat na Gamitin ng Diyos



Tagalog Christian Songs | Paano Maging Marapat na Gamitin ng Diyos


I
Para tunay na maging akmang gamitin ng Diyos,
di lang hangarin ang kailangan n'yo,
kundi patnubay ng Kanyang salita at pagpipino,
Kanyang pagliliwanag at pakikitungo.
At kailangan din ang pagmamasid at ideya n'yo,
pagninilay, at pagbubuod n'yo,
natutuha't naalis n'yo,
gawin 'tong lahat sa pundasyong 'yon.
Lahat ng ito'y landas sa pagpasok n'yo,
pagpasok n'yo sa realidad.
Lahat ng ito'y kailangang-kailangan.

May 30, 2019

Tagalog Gospel Songs | Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao



Tagalog Gospel Songs | Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao 

I
Ang pagkakatawang-tao ay pagiging tao ng Espiritu ng Diyos.
Ibig sabihi'y nagiging tao ang Diyos Mismo.
Ang Kanyang gawain sa katawang-tao
ay ang gawain ng Espiritu
na nagkakatotoo at ipinapahayag ng katawang-tao.
Wala maliban sa katawang-tao ng Diyos ang makakagawa
ng ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao.
Ang nagkatawang-taong Diyos lamang,
ang normal na pagkataong 'to,

May 19, 2019

Tagalog Christian Songs "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries

Tagalog Christian Songs  | "Lahat ng Hiwaga ay Nailantad Na" | God Has Come Back and Revealed All Mysteries


Makapangyarihang Diyos ng pagkamatuwid—
ang Makapangyarihan!
Sa Iyo'y, walang natatago.
Bawat hiwaga, sa kawalang-hanggan,
na 'di naibunyag ng sinumang tao,
sa 'Yo'y hayag at malinaw.

May 6, 2019

Tagalog Praise Songs | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us


Tagalog Praise Songs | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us


Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang 
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika.
Dahil sa tawag sa atin 
ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.

May 1, 2019

Tagalog Christian Music | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Isang Ilog ng Tubig ng Buhay


Tagalog Christian Music - Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Isang Ilog ng Tubig ng Buhay


I
Isang ilog ng tubig ng buhay, singlinaw ng kristal,
umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
Sa kabilaang bahagi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay,
na may labindalawang uri ng bunga,
at nahihinog bawat buwan.
Ang mga dahon ng puno ay sa pagpapagaling ng mga bansa.
Mawawala na ang sumpa, wala nang sumpa.
Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay lalagi na sa lungsod.

Mar 7, 2019

Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita


Tagalog praise and worship Songs | "Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita"


I
Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw
winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya
at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,
mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa sa Diyos
mula sa puso ng tao.
Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.
Nagsagawa Siya ng mga milagro at pinagaling ang may sakit,
ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit,
at ipinako sa krus para tubusin ang lahat ng tao.
Kaya nagkaroon ng pagkaunawa ang tao
na palaging ganito ang Diyos.
Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao
ng mga huling araw ang lahat sa salita.
Sa mga salita N'ya nakikita mo kung ano S'ya;
sa mga salita N'ya nakikita mo na Siya ay Diyos.

Mar 2, 2019

Kung Kilala lang Ninuman ang Diyos Matatakot Siya sa Diyos at Lalayuan ang Kasamaan


Tagalog Worship SongsKung Kilala lang Ninuman ang Diyos
Matatakot Siya sa Diyos at Lalayuan ang Kasamaan


I
Upang layuan ang kasamaan,
dapat matutunan mo'ng matakot sa Diyos.
Upang matamo ang takot,
dapat matutunan mo ang tungkol sa Diyos.
Upang matutunan ang Diyos,
dapat mong isagawa ang salita N'ya,
danasin ang disiplina't paghatol N'ya.
Ang pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan
ay may malaking kaugnayan,
kaugnayan sa kaalaman sa Diyos.
Kung kilala lang ninuman ang Diyos matatakot siya sa Diyos
at lalayuan ang kasamaan.
Upang isagawa ang mga salita ng Diyos,
dapat mong makaharap ang Diyos at ang mga salita N'ya.
Paligid mo'y hilingin sa Diyos na ihanda,
upang maranasan mo ang mga salita Niya.

Peb 5, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Awit Ng Mga Mananagumpay"


Awit at Papuri | Awit Ng Mga Mananagumpay


I
Ang kaharia'y lumalago dito sa mundo.
Ito'y nabubuo sa tao. Lumalago sa tao.
Walang puwersang sisira sa kaharian ng Diyos.
Lumalakad ang Diyos 
at namumuhay kasama ng Kanyang bayan.
Ang tunay na nagmamahal sa Diyos, 
sila'y kahanga-hangang pinagpapala!
Mapalad ang nagpapasakop sa Diyos.
Sila'y mananahan sa Kanyang kaharian.
Mapalad ang kumikilala sa Diyos. 
Kanyang ibibigay kapangyarihan ng kaharian.
Mapalad ang naghahanap sa Kanya. 
Sila'y makakalaya mula kay Satanas.
Sa lahat ng tumalikod sa sarili,
kayamanan ng kaharia'y tiyak makakamit.

Ene 26, 2019

Maluwalhating mga Tinig—Koleksiyon ng Magagandang Himno


Awit at Papuri | Maluwalhating mga Tinig—Koleksiyon ng Magagandang Himno


Welcome, mga kapatid! Oras na naman upang magsama-sama tayong muli. Hinuhulaan ng Aklat ng Pahayag, "At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa: At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa" (Pahayag 14:2–3).

Mga kaibigan, nais ba ninyong pakinggan ang mga bagong awiting hinulaan sa Aklat ng Pahayag? Ang mga sumusunod na sandali ay hinahayaan tayong tahimik na makinig sa maluwalhating mga tinig na pinapupurihan ang Diyos. Pumasok sa bagong panahon ng pagsunod sa Cordero at kumanta ng mga bagong awitin!

Tagalog christian songs free download mp3

Ene 4, 2019

Tagalog Prayer Songs | Magsasaya't Magpupuri sa Diyos ang Buong Daigdig



Tagalog Prayer SongsMagsasaya't Magpupuri sa Diyos ang Buong Daigdig


I
Ang tanging tunay na Diyos
na nangangasiwa sa lahat ng bagay sa sansinukob
—ang Cristong makapangyarihan sa lahat!
Saksi ito ng Banal na Espiritu.
Gumagawa Siya upang magpatotoo sa lahat ng dako.
Nang walang magdududa. Ang Haring matagumpay,
Makapangyarihang Diyos, ay nanaig sa buong mundo.
Napagtagumpayan Niya ang kasalanan
at natupad ang pagtubos.
Purihin ang matagumpay na Hari ng sansinukob.
Magsasaya ang buong daigdig!
Makapangyarihang Diyos, karapat-dapat sa papuri!
Suma'Yo ang kaluwalhatia't kapangyarihan,
dakilang Hari ng sansinukob!

Ene 1, 2019

Isang Koleksiyon ng mga Kristiyanong Himno ng Papuri



Isang Koleksiyon ng mga Kristiyanong Himno ng Papuri


Minamahal na mga kaibigan,habang nasasabik pa rin tayo sa pagbabalik ng Panginoong Hesus,Matagal na panahon na mula nang Siya ay nagbalik sa katawang-tao at ipinahayag ang lahat ng katotohanan sa pagliligtas ng sangkatauhan, dinadala ang ebanghelyo ng pagdating ng kaharian. Ngayon, gumawa ng isang grupo ng mga tao ang Diyos na may kaparehong pananaw sa Kanya. Nagtipon ang mga tao ng Diyos sa paligid ng trono ng Diyos at buong pusong umawit ng papuri sa Kanya at sinamba Siya. Lumitaw ang kaharian ng Diyos sa lupa, at namuno Siya bilang Hari. Tunay nitong isinasakatuparan ang propesiya sa Aklat ng Pahayag: "At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki. At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat. (Pahayag 19:5-6) Mga kapatid, nais ba ninyong labis na malugod sa harap ng trono ng Diyos? Nais niyo bang dumalo sa pagkakasal ng Cordero?
Makinig kayo, tinatawag tayo ng pag-ibig ng Diyos. Saluhan niyo kami sa pagsunod sa mga yapak ng Diyos at tamasahin ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw!

Mar 4, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

Papuri, Kaharian, maghanap, Jehova,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos |  Ang Ikalabindalawang Pagbigkas


   Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang mga pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga ng luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. Sa madaling panahon ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; sa madaling panahon ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?

Ene 5, 2018

Kristianong Awitin – Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari

Diyos, tinig, pag-ibig, Papuri, Kaharian



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari

Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan, Prinsipe ng Kapayapaan, S’ya’y naghahari bilang Hari ng lahat!
I
Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggang, Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat! Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo. O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig, Itaas ating mga tinig, tayo’y umawit, pagka’t sa Sion Diyos ay nagbalik. Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem! Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo’y inaliw N’ya, Tinubos N’ya ang Jerusalem. Sa mga bansa’y pinamalas, ng Diyos ang bisig N’yang banal, pinakita ang tunay na Siya. Makikita’ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.

Dis 29, 2017

Pag-bigkas ng Diyos – Ang Kahulugan ng Tunay na Tao

Pananampalataya, Langit, buhay, Kaalaman, Papuri


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Kahulugan ng Tunay na Tao

    Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong lulupigin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang paglupig sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at matagal nang naging kanyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. Ang orihinal kahulugan ng lupigin ay paggapi, manghiya. Ayon sa mga tao ng Israel, ito ay ang ganap na pagtalo, pagwasak, at pagkawala ng kakayahan pang lumaban sa Akin. Ngunit ngayon gaya ng gamit ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay ang manlupig. Dapat ninyong malaman na ang Aking layunin ay ang ganap na mabura at mapulbos ang masama sa sangkatauhan, upang ito ay hindi na maaaring maghimagsik laban sa Akin, o magkaroon pa ng hininga para antalain o abalahin ang Aking gawain. Sa gayon, kung ang mga tao ang tatanungin, ang ibig sabihin nito ay panlulupig. Anuman ang maging kahulugan ng salitang ito, ang Aking tungkulin ay ang talunin ang sangkatauhan. Tunay ngang ang sangkatauhan ay karugtong ng Aking pamamahala, ngunit upang mas maging tumpak, ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na lumalaban at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga supling ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang mga nagmana sa diablo na Akin nang kinamuhian at tinanggihan at kumalaban sa Akin. Ang kalangitan sa ibabaw ng buong sangkatauhan ay madilim at mapanglaw, wala ni isang kislap ng kaliwanagan. Ang mundo ng mga tao ay nasa matinding karimlan, at kapag nanirahan sa loob nito ang sinuman ay hindi man lang niya makikita ang kanyang sariling kamay kapag ito ay iniunat niya sa kanyang harapan at hindi niya makikita ang araw sa kanyang pagtingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa ay maputik at puno ng mga butas, at ito ay paliku-liko at paikot-ikot; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang mga sulok sa dilim ay puno ng mga labi ng mga patay. Ang mga malalamig at madidilim na mga sulok ay puno ng mga kawan ng mga demonyo na doon ay naninirahan. Sa buong sangkatauhan ang mga kawan ng mga demonyo ang dumarating at umaalis. Ang supling ng napakaraming halimaw na natatakpan ng dumi ay sama-samang nakikipaglaban sa isang marahas na pakikipagbuno, ang tunog nito ay nakapagpapakilabot sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa ganoong mundo, at sa gayong “makamundong paraiso”, saan makahahanap ang sinuman ng kaligayahan sa buhay? Saan pupunta ang sinuman upang mahanap ang kanyang hantungan sa buhay? Ang sangkatauhan, na noon pa man ay nayurakan na sa ilalim ng mga paa ni Satanas, ay kumikilos nang naaayon sa anyo ni Satanas—naging mismong larawan pa nito. Sila ang katibayan ng pagiging “malakas at malinaw na saksi,” ni Satanas. Ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga latak, o ang gayong mga supling nitong tiwaling pamilya ng tao, paano sila makapagpapatotoo sa Diyos? Saan manggagaling ang Aking kaluwalhatian? Nasaan ang Aking saksi? Ang kaaway na naninindigan laban sa Akin at ginagawang tiwali ang sanagkatauhan ay naparumi na ang sangkatauhan, ang Aking likha, nag-uumapaw sa Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay. Ninakaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang ipinuno nito sa tao ay walang iba kundi lason na nahahaluang maigi ng kapangitan ni Satanas at ang katas mula sa bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. Sa simula, Aking nilkha ang sangkatauhan, samakatuwid, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay tunay at may hugis, puno ng buhay, puno ng sigla, at higit sa lahat, taglay ang pakikisama ng Aking kaluwalhatian. Iyon ay ang maluwalhating araw nang Aking lalangin ang tao. Sumunod doon, si Eba ay ginawa mula sa katawan ni Adan, ninuno din ng tao, kaya ang mga tao na Aking nilikha ay napuno ng Aking hininga at puspos ng Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na gawa ng Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking kaanyuan. Kaya ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay ang Aking nilikha na puspos ng Aking sigla, puspos ng Aking kaluwalhatian, tunay at nasa mabuting anyo, mayroong kaluluwa at hininga. Siya ang tanging nilikha na pinagkalooban ng espiritu na maaaring kumatawan sa Akin, magtaglay ng Aking anyo, at tumanggap ng Aking hininga. Sa simula, si Eba ay ang pangalawang tao na pinakalooban ng hininga na aking ipinasiyang likhain, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging nilikha na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, puno ng Aking sigla, at higit sa lahat ay mapagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya siya rin ay Aking kalarawan, dahil siya ang pangalawang tao na nilikha mula sa Aking sariling anyo. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay maging isang buhay na tao, nabigyan ng espiritu, nabubuhay na laman at buto, bilang Aking ikalawang patotoo at bilang Aking ikalawang anyo sa sangkatauhan. Sila ay mga ninuno ng sangkatauhan, ang kanyang dalisay at pinakamamahal na kayamanan, at orihinal na buhay na nilalang na may espiritu. Gayunman tinapakan at dinambong ng masama ang supling ng mga ninuno ng sangkatauhan, ikinulong ang mundo ng mga tao sa lubos na kadiliman, upang ang mga supling na ito ay hindi na naniniwala sa Aking pag-iral. At ang mas kasuklam-suklam ay sa parehong pagkakataon nang ginagawang tiwali at tinatapakan ng masama ang mga tao, malupit nitong kinukuha ang Aking kaluwalhatian, ang Aking patotoo, ang sigla na aking ipinagkaloob sa mga tao, ang hininga at buhay na hinipan Ko sa kanila, lahat ng Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, at lahat ng napakaingat na pagsisikap na Aking ipinuhunan sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at iniwala ang lahat ng Aking ipinagkaloob sa kanila, itinapon ang kaluwalhatian na Aking ipinagkaloob. Paano pa nila ihahayag na Ako ang Panginoon ng mga nilikha? Paano sila maniniwala sa Aking pag iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang pagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa lupa? Paano tatanggapin ng mga apong lalaki at mga apong babae ang Diyos na itinuring na Panginoon ng mga nilikha ng kanilang sariling mga ninuno? Ang kaawa-awang mga apong lalaki at apong babae ay bukas-palad na ibinigay sa masama ang kaluwalhatian, ang anyo, at ang patotoo na Aking ipinagkaloob kina Adan at Eba, at ang buhay na ipinagkaloob sa sangkatauhan na kanilang inaasahan, na hindi iniisip kahit kaunti ang presensiya ng masama, at ibinigay ang lahat ng Aking kaluwalhatian dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng titulong “latak”? Paanong nangyari na ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga demonyo, ang gayong mga naglalakad na bangkay, ang gayong mga anyo ni Satanas, ang gayong Aking mga kaaway ay magtataglay ng Aking kaluwalhatian? Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin ang Aking patotoo sa mga tao at ang lahat na dati Kong pag aari, na Aking ibinigay sa sangkatauhan matagal na panahon na ang nakalilipas—lubusang lulupigin ang sangkatauhan. Ngunit dapat mong malaman, ang mga taong Aking nilikha ay mga banal na tao kasama ng Aking sariling anyo at Aking kaluwalhatian. Sila ay hindi dating kay Satanas, o sumailalim sa kanyang pang-aapak, ngunit lubos na ang Aking pagpapahayag, wala ni katiting na bakas ng lason. Kaya, hahayaan Kong malaman ng lahat na ang nais Ko lamang ay iyong nilikha ng Aking kamay, Aking minamahal na mga walang bahid na hindi kailanman kabilang sa kahit na anumang nilikha. Gayundin, Ako ay masisiyahan sa kanila at titingnan sila bilang Aking kaluwalhatian. Ngunit, ang Aking nais ay hindi ang sangkatauhan na pinasama ni Satanas, pag-aari ni Satanas ngayon, na hindi Ko na orihinal na nilikha. Dahil nais Kong bawiin ang Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, Aking lubos na lulupigin ang natitirang mga nakaligtas na sangkatauhan, bilang patunay ng Aking kaluwalhatian sa Aking tagumpay laban kay Satanas. Ginagamit Ko lamang ang Aking patotoo bilang kalinawan, bilang layunin ng Aking kagalakan. Ang gayon ay ang Aking layunin.

Okt 29, 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

  Jesus-Cristo- Pagbigkas-Diyos-panalangin

NamMga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

umuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman. Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

Set 1, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.
Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay pangkaharian.
Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,
nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.
Salita Mo’y umaakay sa amin at kami’y matamang sumusunod sa Iyo.
Sa D’yos na biyaya, disposisyong masama ay naiwaksi.
Lasap namin ang salita ng D’yos at namumuhay ng isang bagong buhay sa harap Niya.
Mahalin puso ng D’yos, tunay na ibigin Siya, pasalamatan at purihin Siya.
La la la la la ... la la la la la ...

Manalig na ang salita ng D’yos ay katotohanan at nagbibigay-buhay.
Nagsasama-sama sa salita ng D’yos at nakakaunawa sa katotohanan, kasama ang Banal na Espiritu na gumagawa sa atin.
Sarili ay gawing hungkag, maging simple’t bukás, at isabuhay pagiging isang taong tapat.
Katotohana’y nagpapalaya, pinupuno ang ating puso ng galak.
Buhay-iglesya nati’y kayrikit, at lahat ng mga banal ay sumigla.
Nagsasama-sama sa katotohanan at nagtutulungan, ang ating buhay ay mabilis na lumalago.
Tanggapin kahatulan, isagawa ang katotohanan, at isabuhay salita ng D’yos,
Isabuhay ang realidad ng katotohanan nang ang puso ng D’yos ay masiyahan.
La la la la la ... la la la la la ...

Ago 12, 2017

Awit ng Taos-pusong Pagkapit

buhay, pag-ibig, kaluwalhatian, Papuri, Himno



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Awit ng Taos-pusong Pagkapit



Ang Diyos ay ang Simula,
Ang Diyos ay ang Simula,
Ang Diyos ay ang Simula,
at ang Wakas,
at ang Wakas,
at ang Wakas.
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
at ang Tagaani (ang Tagaani).


Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.
Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.
Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.