菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 1, 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"


Tagalog Christian Songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"


Kung sa'n may pagpapakita ng Diyos,
may pagpapahayag ng katotohanan at ang tinig ng Diyos.
Ang mga tumatanggap lang ng katotohanan
ang makakarinig ng tinig ng Diyos 
at makakasaksi sa Kanyang pagpapakita.
Alisin ang mga pananaw na "imposible"!
Mga isipang imposible ay malamang mangyari.
Ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan.

May 28, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Gawain at Pagpasok (2)

Mga Pagbigkas ni Cristo | Gawain at Pagpasok (2)


Ang inyong gawain at pagpasok ay masyadong mahina; hindi pinahahalagahan ng tao ang gawain at higit pa ngang pabáyâ sa pagpasok. Hindi itinuturing ng tao ang mga ito bilang mga aral na dapat nilang pasukin; kaya, sa kanilang karanasang espirituwal, halos lahat nang nakikita ng tao ay mga ilusyong di-kapani-paniwala. Hindi gaanong malaki ang hinihingi sa inyo pagdating sa inyong karanasan sa gawain, pero, bilang isang gagawing perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutunan na gumawa para sa Diyos upang di-magtatagal kayo ay maging kaayon ng puso ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan, yaong mga gumawa ay natawag na mga manggagawa o mga apostol, na tumutukoy sa isang maliit na bilang ng mga taong ginamit ng Diyos.

May 27, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Gawain at Pagpasok (1)

Mula pa nang ang mga tao ay nagsimulang tumahak sa tamang landas ng buhay, sila ay nananatili nang hindi-malinaw tungkol sa maraming bagay. Sila ay ganap pa ring nalalabuan tungkol sa gawain ng Diyos, at tungkol sa maraming gawain na dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, sa pagkalihis ng kanilang karanasan at sa mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil hindi pa nadálá ng gawain ng Diyos ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, ang lahat ay hindi maliwanag tungkol sa karamihan ng espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi-malinaw sa inyo kung ano ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos.

May 24, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas


Mga Pagbigkas ni Cristo | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang nakakalaya mula sa galimgim? Sino ang nakakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng espiritu ng tao.

May 20, 2019

Mga Patotoo | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)

Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata.

May 4, 2019

Tagalog Christian Movies - "Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol


Tagalog Christian Movies - "Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol


Alam mo ba kung bakit personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, sa halip na gumamit ng tao para gawin ito? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito ang tamang landas.

Abr 28, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo - Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan

Mga Pagbigkas ni Cristo - Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan


Sa pagsasagawa, ang mga utos ay dapat nakaugnay sa pagsasagawa sa katotohanan. Habang pinananatili ang mga utos, dapat isagawa ng isang tao ang katotohanan. Kapag isinasagawa ang katotohanan, hindi dapat labagin ng isang tao ang mga panuntunan ng mga utos o sumalangsang sa mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo kang nananatili sa diwa ng mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo mong maiintindihan ang salita ng Diyos gaya ng inihayag sa mga utos.

Abr 26, 2019

1. Ano ang Gawain ng Pamamahala sa Sangkatauhan?

Kabanata 3 Dapat Mong Malaman ang Mga Katotohanan Tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos


1. Ano ang Gawain ng Pamamahala sa Sangkatauhan?

        Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan.Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan,

Abr 23, 2019

"Sino Siya na Nagbalik" - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 2


Tagalog Christian Movies: "Sino Siya na Nagbalik" - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 2


Maraming tao na ang nagpapatotoo ngayon na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos at kasalukuyang ginagawa ang Kanyang paghatol simula sa pamilya ng Diyos. Kasabay nito, maraming tao ang nagpapanggap bilang ang nagbalik na Panginoong Jesus. Umaasa sila sa mga pagpapakahulugan ng Biblia, pagpapaliwanag sa mga hula at paggawa ng mga milagro at kababalaghan upang lituhin ang mga tao, at ilan sa kanila’y nagsulat din ng ilang aklat. Kaya paano natin dapat ganap na maintindihan ang masamang diwa ng mga huwad na Cristo at iwaksi ang mga ito?

Abr 22, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo-Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso


Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto.Yaong mga walang isang malinaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos,

Mar 29, 2019

Tagalog Christian Movies | Ano ang Nagkakaloob ng Daan ng Walang Hanggang Buhay sa Tao?



Tagalog Christian Movies | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" - Ano ang Nagkakaloob ng Daan ng Walang Hanggang Buhay sa Tao? (Clip 5/9)


Sinabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14). Ang Panginoong Jesus ang nagbibigay ng tubig ng buhay, Siya ang daan ng walang hanggang buhay, pero, tulad ng nasaksihan ng Kidlat ng Silanganan, tanging si Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos ang makapagbibigay sa mga tao ng daan ng walang hanggang buhay. Kaya galing ba sa parehong pinagmumulan ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus? Ang gawain ba Nila’y isinasagawa ng iisang Diyos? Bakit si Cristo ng mga huling araw lang ang makapagbibigay sa atin ng daan ng walang hanggang buhay?


Mar 21, 2019

Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito


Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan.

Ene 12, 2019

The bible tagalog movies | Ang Katotohanan ba ay Kayang Katawanin ng mga Salitang Winika ng Tao na Nakaayon sa Katotohanan?


The bible tagalog movies | "Ang Katotohanan ba ay Kayang Katawanin ng mga Salitang Winika ng Tao na Nakaayon sa Katotohanan?" (Mga Movie Clip)


Ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Tanging Diyos lang ang nagtataglay ng sangkap ng katotohanan. Ang Diyos Mismo ang katotohanan. Ngunit sa relihiyosong mundo maraming tao ang nagsasaalang-alang sa mga salitang winiwika ng mga taong ginagamit ng Diyos o may gawain ng Banal na Espiritu na nakaayon sa katotohanan bilang katotohanan. Isinasaalang-alang din nila ang mga masasamang aral at maling ideyang ipinaliwanag ng mga dakila't sikat na espirituwal na personalidad batay sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon bilang katotohanan. Dahil dito, nilinlang sila at binitag ng mga tao at naging mga taong lumalaban at nagkakanulo sa Diyos. Kaya ano ba talaga ang katotohanan? Ano ang tamang paraan ng pagtrato sa mga salitang nakaayon sa katotohanan na winiwika ng mga taong ginagamit ng Diyos at mga taong may gawain ng Banal na Espiritu?