菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 15, 2018

Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (Ikalawang bahagi)

Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon.



14. Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol.

Hul 31, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos




▬▬▬▬▬▬▬۩*•*۩▬▬▬▬▬▬▬▬



I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

Peb 19, 2018

Clip ng Pelikulang | "Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (2)"



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)



   Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta't sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos 


Ene 6, 2018

Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (1)

Ang Banal na Espiritu, Biyaya, kalooban, kaluwalhatian, Kaalaman

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (1)

     Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.

Dis 23, 2017

Kristianong Awitin – Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

pag-ibig, Biblia, Diyos, Biyaya, Jesus




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao Nakakamangha at kahanga-hanga Unang naipakita sa Biblia Sa istorya ni Adan at Eba Nakaka-antig at madamdamin Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
II
Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao. Inosente at puro, hindi nababagabag, puno ng biyaya sa buhay. Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak. Lahat ng ating salita’t gawa, ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay.
III
Mula nang unang likhain ang sangkatauhan, nasa isip ng Diyos, protektahan at laging bantayan Nais Niyang manalig ang tao sa Kanya (ang tao sa Kanya). At sundin ang Kanyang Salita, ito ang inasahan ng Diyos sa Sangkatauhan.
IV
Dala ang pag-asang ito, sinabi ng Diyos: “Bawat puno sa hardin, Malaya kang kumain, maliban lang sa puno ng kaalaman ng mabuti’t masama (mabuti’t masama). ‘Pagkat sa araw na kinain mo ‘yon, tiyak kang mamamatay.” Mga simpleng salita, sumasagisag ng nais Niya, nagpapakita ng malasakit ng Diyos para sa atin.
V
Sa mga simpleng salita, laman ng puso Niya’y nakita. May pag-ibig ba? Malasakit at Kalinga? Ito ay nadarama, pag-ibig Niya at alaga. Ng taong may konsensya at may pagkatao, may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya.
VI
Dahil sa ‘yong nadarama (nadarama), ano ngayon ang tugon mo sa Diyos? Kakapit ka ba sa Kanya? Mapitagang pag-ibig lalago sa puso? At sa Diyos ay mas lalapit pa? Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos, ngunit mas mahalaga na dama’t unawa ng tao. Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos, ngunit mas mahalaga na dama’t unawa ng tao. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Nob 29, 2017

Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatolsa Pamamagitan ng Katotohanan

  Ang gawain sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dadalhin ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang katapusan, sa panahon ng Diyos Mismo. Gayunman, bago dumating ang panahon ng Diyos Mismo, ang gawain na ninanais gawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa mga buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa Kanyang luklukan. Lahat ng mga nagsisunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa luklukan ng Diyos, kaya lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang dadalisayin ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang hahatulan ng Diyos.

Nob 28, 2017

Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

Pananampalataya, Langit, katotohanan, Biyaya, kaluwalhatian

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

    Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga tao, at iyong mga naglilingkod. Ipinapalagay Ko ang mga pagkakaibang ito alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag pinagbukud-bukod ang lahat ng tao ayon sa uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naging malinaw, aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang nararapat na lugar sa gayon ay maaari kong matanto ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, aking tinatawag ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay tatanungin Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay gagantimpalaan o parurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga nagawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.