菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paghatol. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paghatol. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 3, 2019

Tagalog Worship Songs | "Diyos Ko! Di Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo"



Tagalog Worship Songs | "Diyos Ko! Di Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo"


I
Marami akong nagawang di ko maaatim na gunitain.
Nasayang ko ang napakaraming oras.
Nag-uumapaw ang malaking pagsisisi
at utang na loob sa puso ko.
Lagi ako noong humingi ng kapalit
kapag gumugol ako para sa Diyos.
Nang di ko natanggap
ang mga pagpapalang gusto kong matanggap, 
inisip kong talikuran ang Diyos,
ngunit malinaw pa sa aking isipan ang Kanyang pag-ibig
at di ko malimutan.
Inantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko,
unti-unti akong inaakay palayo sa pagiging negatibo.

Abr 5, 2019

Tagalog Christian Songs | Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin



Tagalog Christian Songs | Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin


Tahimik ang Diyos at 'di kaylanman sa 'tin nagpakita,

pero 'di nahinto kaylanman gawain N'ya.

Tinitingnan N'ya lahat ng lupa, lahat ng bagay inuutusan,

lahat ng salita't gawa ng tao'y minamasdan.

Pamamahala N'ya'y nagawa, unti-unti, sa plano N'ya.

Tahimik, pero yapak N'ya'y lumalapit sa tao.

Mar 19, 2019

Pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Pa’no Niya hinahatulan ang tao, dinadalisay ang tao, at pineperpekto ang tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita? Isang bagay ‘to na kailangang-kailangan nating malaman. Kung nauunawaan natin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos, kung gano’n, talagang naririnig natin ang tinig ng Diyos at iaakyat tayo sa harap ng trono ng Diyos. Pakipaliwanag mo pa sa ‘min nang mas detalyado!

Sagot: Ang pag-aaral kung pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay napakahalaga sa ating kakayahan na magkamit ng kaligtasan sa pamamagitan ng paghanap sa katotohanan. Gumagawa ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan para hatulan at linisin ang mga tao. Ginagawa Niya ‘yong mag-isa para iakyat ang Kanyang mga santo sa kaharian ng langit. Gano’n pa man, maraming mga mananampalataya sa komunidad ang hindi nakakaunawa sa nais ng Diyos. Iniisip nilang babalik ang Panginoon at agad na iaakyat ang lahat ng mga santo sa kaharian ng langit. Hindi sila naniniwalang pangungunahan Niya ang gawain ng paghatol at pagkastigo dahil, kung hinatulan at kinastigo Niya ang mga tao, hindi ba’t isusumpa at parurusahan Niya na rin sila? Samakatuwid, ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw; hinihintay lang nila ang Panginoon na bumaba sa alapaap at iakyat sila sa kaharian ng langit. Ang totoo, isa ‘tong lubos na hindi pagkakaunawa sa kagustuhan ng Diyos.

Peb 11, 2019

Clip ng Pelikulang | "Nagsimula Na ang Paghatol sa Harap ng Malaking Tronong Puti"


Tagalog Christian Movies | "Nagsimula Na ang Paghatol sa Harap ng Malaking Tronong Puti"


Alam mo ba kung paano natupad ang paghatol ng malaking luklukang maputi na ipinropesiya sa Pahayag? Sa langit ba gagawin ang paghatol ng malaking luklukang maputi, o sa lupa? Ginagawa ba ito ng Diyos na nagkatawang-tao, o ng Espiritu? Isa-isang sasagutin ng maikling videong ito ang iyong mga tanong.

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Peb 5, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito’y nagsimulang mayanig.
Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa’n man Siya magpunta
kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Nob 29, 2017

Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatolsa Pamamagitan ng Katotohanan

  Ang gawain sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dadalhin ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang katapusan, sa panahon ng Diyos Mismo. Gayunman, bago dumating ang panahon ng Diyos Mismo, ang gawain na ninanais gawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa mga buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa Kanyang luklukan. Lahat ng mga nagsisunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa luklukan ng Diyos, kaya lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang dadalisayin ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang hahatulan ng Diyos.

Ago 16, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ano ang Alam Ninyo Tungkol sa Pananampalataya?

buhay, Jesus, Cristo, Diyos, paghatol,



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ano ang Alam Ninyo Tungkol sa Pananampalataya?

Ang gawain sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dadalhin ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang katapusan, sa panahon ng Diyos Mismo. Gayunman, bago dumating ang panahon ng Diyos Mismo, ang gawain na ninanais gawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa mga buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa Kanyang luklukan. Lahat ng mga nagsisunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa luklukan ng Diyos, kaya lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang dadalisayin ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang hahatulan ng Diyos.

       Kagaya ng nasabi na dati, ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos. Ang “paghatol” na ito ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga nagsilapit sa Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa hindi karaniwang mga pala-palagay kagaya ng sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, pagkatapos ay uupo ang Diyos sa isang dakilang luklukan at ang lahat ng mga tao ay luluhod sa lupa. Ibubunyag ng Diyos noon ang lahat ng mga kasalanang sakdal laban sa tao upang malaman kung siya ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Hindi alintana ang mga pala-palagay ng tao, ang sangkap ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring baguhin. Ang mga pala-palagay ng tao ay gawa-gawa lamang ng pag-iisip ng tao at galing sa utak ng tao, naidagdag at pinagtagni-tagni sa mga nakita at narinig ng tao. Masasabi Ko kung gayon, gaano man kagaling ang mga imaheng naisip, ang mga ito ay mga larawan lang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang lahat sa tao ay ginawang tiwali na ni Satanas, kaya papaano niya mauunawaan ang mga iniisip ng Diyos? Iniisip ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang magsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal; aalingawngaw ito hanggang sa langit at yayanigin ang lupa, kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala ang tao na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging dakila at makahari habang Siya ay gumagawa, at ang lahat ng hinatulan ay dapat na magpalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Dapat ang eksena ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Isinasalarawan ng bawat tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga tao, mahimbing pa rin ang iyong tulog? Alam mo ba, sa oras na naniwala ka na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay doon mo pa lang maiintindihan ang kahulugan ng buhay, ngunit ang walang-awang gawain ng kaparusahan ng Diyos ay dadalhin ka, nang natutulog pa rin, sa impiyerno. Saka mo lang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagtapos na.