Tagalog Christian Movies | "Ang Pagkilatis sa Pagitan ng Gawain ng mga Ginagamit ng Diyos at ng Gawain ng mga Relihiyosong Pinuno" (Mga Movie Clip)
Sa relihiyosong mundo, itinuturing ng maraming tao ang gawain na isinagawa ng mga matatalino't talentadong pastor at elder na gawain ng mga taong ginamit ng Diyos, at walang taros nilang sinasamba at sinusunod ang mga ito. Nilinlang at kinontrol sila ng kaalamang biblikal na ipinaliwanag ng mga relihiyosong Fariseo, ang kanilang mga teoriyang teolohikal, at mga erehiya at maling ideya na nakaayon sa kaisipan ng tao at imahinasyon sa puntong wala mang kahit anong pag-unawa ang mga taong ito sa katotohanan matapos manampalataya sa Diyos nang maraming taon, at hindi rin nagbabago ang kanilang disposisyon sa buhay. Hindi nila sinasadyang tahakin ang landas ng Fariseo na lumalaban sa Diyos. Kung gayon, ano ang tunay na pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng mga tao na ginamit ng Diyos at ang gawain ng mga relihiyosong pinuno at mga kilalang tao?